Dalawang lalaking may sakit sa pag-iisip na iniwan sa kani-kanilang bahay sa Agoncillo, nasagip

Dalawang lalaking may sakit sa pag-iisip na iniwan sa kani-kanilang bahay sa Agoncillo, nasagip

- Nasagip ng Philippine coast guard Task force Taal ang dalawang lalaking may sakit sa pag-iisip

- Iniwan daw ito sa kani-kanilnag bahay kung saan sila natagpuan ng coast guard

- Nakapagtatakang iniwan daw ang mga ito roon gayung lubhang mapanganib na sa lugar

- Katunayan, total zero lockdown na sa kinaroroonan ng mga ito sa Agoncillo, Batangas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang lalaking may sakit sa pag-iisip ang bhimalang naisalba pa ng Philippine Coast Guard Task Force Taal sa Brgy. Balibewang, Agoncillo, Batangas.

Ayon sa Inquirer, rumoronda noon ang mga coast guards bilang bahagi ng inspeksyon sa zero lockdown sa lugar noong Enero 19.

Nakita ang dalawa sa kani-kanilang tahanan at kapansin-pansing wala nga ang mga ito sa katinuan.

Mahigpit nang pinagbabawal ang pagbalik lalo na ang pananatili sa Agoncillo lalo pa at nasa alert level 4 pa rin ang Taal.

Masasabing isang himala na ligtas ang dalawa na tinatayang naiwan sa kani-kanilang bahay sa loob ng pitong araw bago sila masagip.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laking pagtataka rin ng mga nakakita kung bakit iniwan ang mga ito. Kung ang mga hayop nga raw ay nagagawang balikan, kaya naman agad nilang sinalba ang mga ito.

Nadala na ang dalawa sa Regional emergency response team at nabigyan na ng karampatang medical attention ang mga ito.

Bagaman at mukhang kalmado ang bulkang Taal, nilarawan ng Phivolcs na tila ito'y "namamaga" dahil sa patuloy na pag-akyat ng magma.

Nangangahulugang, maaring magkaroon isang isang malakas na pagsabog kung ito ay magpupursige sa pagsabog.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel