Laughtrip! Mister na walang malay, "nadamay" sa hiwalayang James at Nadine

Laughtrip! Mister na walang malay, "nadamay" sa hiwalayang James at Nadine

- Mabilis na nagviral ang Facebook post ng isang mister na walang kamalay-malay pero nadamay sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre

- Sa kanyang FB account, ibinahagi ng mister ang conversation nila ng kanyang misis tungkol sa split ng sikat na real-reel love team

- Bentang-benta naman ito sa mga netizens at sa kasalukuyan ay mayroon nang 41K shares

- Mayroon pang mga misis at GF na napa-tag sa kanilang mga BF at mister sa viral post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napa-hashtag "toyomansi" na lamang ang isang mister matapos itong madamay sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Sa Facebook post ng mister na si Randolf Hilarbo, ibinahagi nito ang conversation nila ng misis na si Steffany Rea Hilarbo tungkol sa split ng real-reel love team na talaga namang gumawa ng ingay sa showbiz.

Marami ang heartbroken dahil dito at kabi-kabila ang shares tungkol dito sa social media.

Sa conversation ng mag-asawang Hilarbo, sinabing nag-cheat diumano si James Reid na hindi matanggap ni misis.

Si mister, nakisakay naman kay misis hanggang sa maging ito ay inaway na rin ni kumander.

"Ang aga aga, pati ako na nanahimik nadamay ako sainyo JaDine. jusko," ayon sa FB post ni Mister.

Bentang-benta naman ito sa mga netizens at sa kasalukuyan ay mayroon nang 41K shares at 43K reactions kahit ilang oras pa lamang ito in-upload.

Mayroon pang mga misis at GF na napa-tag sa kanilang mga BF at mister sa viral post na ito.

"Bautista Keso Alvin baka magawa ko na to mmya hahaha," sabi ng netizen na si Elika Marie Cabangon.

"Agosto Caampued HAHAHAHAHAHAHA AYUSIN MO LANG!!" sabi naman ng netizen na si Danica Joy Macario Lecitivo.

"Parang kanina sabi mo saken bakit nadamay ka sa kwento ko tungkol sa Jadine! Emerson," ayon naman kay Dianne Emilyn E. Estañol.

"Raymond Sabando hahahaha muntik muntikan na kita gantuhin nung usapan natin to kanina," sabi pa ni Crisiel Dela Cruz-Sabando.

"Ernie buti di naging ganito ang usapan natin kagabi. Muntikan nga lang," ani Roann Go.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naiulat ng KAMI ang pagkumpirma ng JaDine sa kanilang break up sa pamamagitan ng isang statement.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel