Ang intense! Misis na 1 Taal victim, nanggigil sa mister na salawahan

Ang intense! Misis na 1 Taal victim, nanggigil sa mister na salawahan

- Mas tumindi pa ang mga eksena sa paghaharap ng live-in partners na sina Venus Amigo at Romiel Gonzales

- Nagmatigas na kasi si Venus at nagdesisyong ipakulong ang kinakasama dahil sa pananakit nito

- Pero ang galit ni misis, nag-ugat sa panloloko at pambababae ni Romiel

- Maging Raffy Tulfo, nahirapan ding kumbinsihin ang babae para maayos pa ang pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagmatigas na si Venus Amigo, ang ginang na "minarkahan" ng kanyang kinakasamang si Romiel Gonzales, at hindi nagpadala sa panunuyo ng lalaki.

Napag-alaman na isa ang pamilya nina Venus at Romiel sa mga biktima at napilitang lumikas dahil sa pag-aalboroto ng Taal Volcano.

Una nang naiulat ng KAMI, nang idulog ni Venus sa programang Aksyon ang reklamo laban kay Romiel, na nanakit sa kanya.

Sa katunayan ay sariwa pa ang black eye ng babae mula sa pag-atake ng lalaki sa kanya nang mahuli niya itong kausap ang babae nito na si Cathy Manlingas.

Matindi ang naging banatan ng salita ng dalawang babae matapos magpaunlak ng panayam si Cathy sa programa ni Raffy Tulfo naWanted sa Radyo.

Ayon kasi kay Cathy, matagal nang hiwalay sina Venus at Romiel at sila na raw ang nagsasama na alam naman daw ni Venus.

Mariin naman itong itinanggi ni Venus at nanindigang hindi sila naghiwalay.

Dahil sa labis na galit at sama ng loob kay Romiel at Cathy, nagdesisyon ang complainant na ipakulong na lamang ang una sa pananakit nito sa kanya.

Sinubukan naman silang pag-usapin "off-air" ng programa upang mas magkaintindihan ang mga ito.

Ayaw na kasing magpa-areglo ni Venus at desididong ipakulong ang kinakasama upang mabigyan daw ito ng leksyon.

Maging si idol Raffy ay sinubukan itong kausapin para maayos pa ang pamilya ng mga ito ngunit mukhang mahihirapan ang lalaki dahil sa matinding galit na naipon kay Venus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel