Mga bata sa Hawaii, nagbenta ng laruan upang makalikom ng donasyon para sa Taal victims

Mga bata sa Hawaii, nagbenta ng laruan upang makalikom ng donasyon para sa Taal victims

- Viral ang larawan ng mga bata sa Hawaii na nagawang ibenta ang ilan sa kanilang mga laruan

- Ginawa raw ito ng mga bata para makalikom ng donasyon sa Australia at sa Pilipinas na may matinding kinakaharap ng suliranin ngayon

- Isang Pinoy sa Hawaii ang nakakita sa mga batang ito at labis siyang natuwa lalo pa at tubong Batangas siya na siyang pinakaapektadong lugar sa pagputok ng Taal

- Laking pasalamat din ng mga netizens na Pinoy sa mga batang ito na sa murang edad ay marunong nang magmalasakit sa kapwang nangangailangang kahit pa sila'y nasa malayong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw atensyon sa social media ang post ng Pinoy na nasa Hawaii na si Markee Camiso.

Nakunan niya kasi ng larawan ang mga bata roon na nagtitinda ng kanilang mga laruan para sa mga bitima ng Australia Fire at maging ng mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal sa ating bansa.

Nakasulat ang "Save Australia and Philippines" sa harap ng mesa ng anim na bata sa La’ie community.

Puno ito ng kanilang laruan na pinili nilang ipagbili makalikom lamang ng tulong sa dalawang bansa na dumaraan ngayon sa matinding pagsubok.

Natuwa si Markee lalo pa at tubong Talisay, Batangas talaga siya. Labis kasing naapektuhan ng kanilang probinsya dahil naroon ang Bulkang Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Humanga rin ang mga Pinoy netizens sa mga batang ito dahil sa murang edad nila, kinakitaan na sila ng pagmamalasakit sa kapwa kahit pa iba ang nasyunalidad ng kanilang nais na tulungan.

Nakakatuwa lamang daw makita na kahit nasa malayong lugar pa ang mga ito, namumutawi na ang kabutihan sa kanilang puso at nais nilang makatulong sa kanilang munting paraan.

Nasa 15,000 na ang positibong reaksyon ng post na ito at naibahagi na ito ng 8.6k na beses.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel