Groom, nagtangkang magpakalunod nang makita ang bride na di raw kagandahan

Groom, nagtangkang magpakalunod nang makita ang bride na di raw kagandahan

- Nagtangkang magpakalunod ng isang groom nang makita ang kanyang bride sa unang pagkakataon

- Arranged marriage kasi ito sa Tsina at ipinagkasundo lamang ang groom sa kanyang bride na di pa niya noon nakikita at nakikilala

- Nang makita niya ito, di raw kagandahan sa paningin ang babae kaya naman kaysa makasama raw ito habang buhay, sinubukan na lamang niyang tapusin ang kanyang buhay

- Nasagip ang lalaki sa isang ilog kung saan siya nagtangkang magpakalunod sa mismong araw ng kanilang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmistulang "runaway groom" ang 33-anyos na si Kang Hu nang makita ang babaeng kanya sanang pakakasalan sa mismong araw ng kanilang pag-iisang dibdib sa Shiyan City sa China.

Dahil sa arranged marriage lamang ito na uso sa kanyang bansa, ito ang unang pagkakataon na makita ni Kang Hu ang kanyang bride.

Ayon pa sa Rachfeed, nasabi ng groom na di kagandahan ang kanyang pakakasalan kaya naman naisipan niyang takbuhan ito sa araw ng kanilang kasal. Humingi naman daw ito ng tawad sa bride bago ito umalis.

Dumiretso sa ilog si Kang Hu at doon tinangkang tapusin ang kanyang buhay.

Agad naman siyang nasagip ng mga rescuers kaya naman di nagtagumpay ang kanyang binabalak dahil lamang sa ayaw niya sa babaeng ipakakasal sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nadala naman agad si Kang Hu sa pinakamalapit na ospital at maayos naman na daw ang kalagayan nito.

Sa panayam ng Mirror UK kay Hu, nasabi nitong di raw talaga niya kayang pakasalan ang babaeng di na nga niya gusto ay di pa raw ganoon kaganda sa paningin.

Kaya naman wala siyang ibang naisip noon kundi mawala na lamang sa mundo dahil mananagot din siya sa kanyang mga magulang sa di pagpapakasal sa babaeng ipinagkasundo ng mga ito para sa kanya.

Magsilbing aral nawa sa atin ang pangyayaring ito. Hindi tama na kitilin ang sariling buhay at lalo't higit na mali ang panghuhusga sa panlabas lamang na kaanyuaan ng isang tao.

Matuto tayong tingnan ang kagandahan ng bawat nilalang at pahalagahan ang bawat segundong binigay sa atin upang mabuhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel