SARS-like virus, umabot na sa South Korea; 1 ang kumpirmadong positibo

SARS-like virus, umabot na sa South Korea; 1 ang kumpirmadong positibo

- Umabot na sa South Korea ang misteryosong virus na "kapamilya" umano ng SARS

- Kinumpirma ng nasabing bansa ang balitang ito at ayon sa mga awtoridad ay naka-quarantine na ang biktima

- Isang 35-anyos na Chinese national ang biktima na nagmula sa Wuhan, China kung saan diumano nagsimula ang virus na ito

- Sa China, tatlo na ang naitatalang nasawi dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot na sa South Korea ang misteryosong virus na "kapamilya" umano ng severe acute respiratory syndrome (SARS).

Base sa pag-aaral ng mga Chinese Scientist, ang virus na ito ay bagong strain ng coronavirus.

Ayon sa ulat ng Rappler, isang 35-anyos na babae at isang Chinese national ang biktima na mula sa Wuhan, China.

Agad naman itong na-detect sa Incheon airport at isinalang sa quarantine.

Sinabi nito na nagpacheck-up ito noong Sabado bago lumipad papuntang South Korea matapos sumama ang pakiramdam at niresetahan lamang ng gamot.

Matatandaang naiulat na nagmula ang virus sa isang seafood at wildlife market sa Wuhan ayon sa mga awtoridad. Agad naman itong ipinasara noong January 1.

Pero sabi ng babae, hindi naman siya pumunta sa nasabing palengke at hindi rin nito masabi kung mayroon itong nakasalamuha na mayroon ng virus.

Sabi ng World Health Organization (WHO), mayroon lamang "limited human-to-human transmission" ang nasabing coronavirus na maihahalintulad sa SARS.

Ganunpaman, umabot na ito sa ibang bansa katulad ng Japan, Thailand at ngayon ay South Korea.

Sa China, tatlo na ang naiulat na namatay dahil dito habang umabot na sa mahigit 200 kaso ang kabuuang bilang ng apektado ng virus.

Tinatayang nasa pitong milyong mga Chinese ang ba-byahe sa iba't-ibang panig ng mundo dahil sa Lunar New Year holiday season, ayon sa ulat ng CNN.

"I believe Chinese tourists will bring the virus to many other countries in Asia in the coming days, due to their overseas travels during the Lunar New Year holiday," ayon kay Professor David Hui Shu-cheong, respiratory expert sa Chinese University sa Hong Kong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel