Aktwal na pagputok ng Taal, sapul sa video ng mag-anak na turistang namamasyal lang noon

Aktwal na pagputok ng Taal, sapul sa video ng mag-anak na turistang namamasyal lang noon

- Nasa mismong crater ng Bulkang Taal ang mag-anak noon nina Denise Bernardo at balikbayan na si Michaella Domenici

- Namamasyal lamang sila noon sa Taal para na rin maiba naman ang adventure nila sa pagbisita ni Michaella at nobyo nitong si John Horner sa bansa

- Di pa man sila nakakarating sa baba at pinakabunganga ng bulkan, nakita na ng alisto nilang tour guide ang kakaibang usok na lumalabas sa Taal

- Agad sila nitong nasenyasan na bumalik pataas dahil labis na mapanganib na ang usok na mula sa bulkan

- Nailikas kaagad ang mga turistang nakunan ang bawat pangyayari hanggang sa tuluyan nang itaas sa alert level 2 ang Taal noong Enero 12 kung kailan ito muling nag-alboroto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang mag-anak na turista ang nakakuha sa bawat pangyayari sa mismong araw na nag-alboroto muli ang Taal noong Enero 12.

Binahagi ng pamilya nina Denise Bernardo sa Kapuso mo Jessica Soho ang kanilang karanasan nang biglang pumutok ang Taal habang sila ay namamasyal pa roon.

Kwento ni Denise, nagpasya siyang dalhin ang kamag-anak na si Michaella Domenici at nobyo nitong si John Horner sa Taal para mayroon naman silang kakaibang adventure sa pagbisita ng mga ito sa bansa.

Sa umpisa'y excited ang lahat lalo pa at kasama ni Denise ang kanyang buong pamilya.

Pagdating sa mismong crater ng bulkan, nagdesisyon pa silang mangabayo pababa upang mas lalo silang mapalapit sa bunganga nito.

Bandang 12:30 nang tanghali nang magsimulang bumuga ng kakaibang usok ang Taal.

Sa una'y di pa ito alintana sa tour guide na si Elmer Ornales. Ngunit habang tumatagal tila nadaragdagan na ang dating puting usok lamang na mayroon na ring itim.

Agad siyang sumigaw at sumenyas sa mga henete ng kabayo pa bumalik paitaas dahil labis nang delikado ang bulkan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabilis na nakaakyat ang mga turistang sakay ng kabayo at agad ding nakalikas sa isla.

Lahat nang ito'y nai-dokumento nila sa video na kuha ni Michaella.

Kitang-kita roon ang mismong pagputok ng bulkan bandang 2:30 p.m. kung saan itinaas na ang alert level 2 doon.

Laking pasalamat ng pamilya nina Denise sa kanilang guide na si Elmer dahil nagampanan nito ng maayos ang kanyang trabaho nang higit pa sa kanilang inaasahan.

At dahil isa ang pamilya ni Elmer sa mga labis na naapektuhan ng pagputok ng bulkan, nagpaabot na rin sina Denise ng tulong dito upang makapagbigay pag-asa sa guide na maayos itong makapagsisimula muli matapos ang mga pangyayaring ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel