4 na Chinese, nahuli matapos dakipin umano ang isang 18 anyos na dalaga

4 na Chinese, nahuli matapos dakipin umano ang isang 18 anyos na dalaga

- Apat na Instik ang nahuli ng mga barangay tanod matapos nila umano dakipin ang isang dalaga sa Makati

- Ayon sa biktima, naghihintay umano siya ng taxi nang lapitan siya ng anim na lalaki at sapilitang kuhain

- Dahil sa pagpupumiglas ng dalaga, agad naman napansin ng mga barangay tanod ito at tinulungan siya

- Subalit, dalawang suspek pa ang nawawala sa ngayon at hinahanap pa ng Makati Police

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Apat na Intsik ang nahuli ng mga barangay tanod sa Makati noong Sabado matapos umano nilang dakipin ang isang 18 anyos na dalaga.

Nalaman ng KAMI na ang mga suspek ay pinangalanan na sina Zhi Lin, Shi Jun Yi, Chen Sujo, at Xiaohui Sun.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin (awtor Jel Santos), ang mga suspek daw ay pansamantalang nakatira sa isang condominium sa Pasay City.

Kwento ng biktima, anim (6) na lalaki ang nagtangka umano na kuhain siya sa Einstein St. sa Barangay San Isidro sa Makati bandang alas-10 ng gabi.

Dagdag pa ng dalaga, sapilitan siyang kinuha ng mga Instik habang siya ay naghihintay ng taxi. Sa kabutihang palad ay nakatakbo siya sa mga ito.

Ang kanyang pagpupumiglas sa mga suspek ang nakakuha ng atensyon ng mga tanod na rumoronda sa lugar. Kaya naman, agad nilang napuntahan ito at nasagip.

Nahuli ng mga tanod ang suspek. Subalit, ang dalawa pa sa mga ito ay nakatakas at hindi pa rin alam ang kanilang pangalan hanggang sa ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Makati Police ay patuloy pa rin sa paghahanap ng dalawa pang nakatakas na suspek.

Samatala, ang apat na Intsik na nahuli ay kasalukuyang nakakulong sa Makati Police Headquarters.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel