Batangas Vice Mayor, iginiit na pabalikin na sila sa kanilang mga bahay

Batangas Vice Mayor, iginiit na pabalikin na sila sa kanilang mga bahay

- Sa kabila ng mga babala ng mga awtoridad sa patuloy na aktibidad ng Taal Volcano, iginiit ni Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan na pabalikin ang mga nasasakupan sa kanilang mga bahay

- Umapela din ito kay Pangulong Duterte upang baguhin ang "opinyon" ng PHIVOLCS

- Ayon pa kay Vice Mayor Natanauan, pinalalala lamang daw ng PHIVOLCS ang balita

- Pero ayon sa PHIVOLCS, patuloy pa rin ang pag-akyat ng magma sa crater ng bulkan at maaaring pumutok anumang oras o araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng mga babala ng mga awtoridad sa patuloy na aktibidad ng Taal Volcano, iginiit ni Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan na pabalikin ang mga nasasakupan sa kanilang mga bahay.

Sa panayam dito ng DZMM, umapela rin ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang "opinyon" ng PHIVOLCS.

Pinalalala lang daw ng ahensiya at ni chief seismologist Renato Solidum ang sitwasyon at ang balita.

"Ang plano ko as vice mayor ay ako ay humihingi ng kuwan kay Presidente Duterte na kung maaari 'yung opinyon ng Phivolcs ay medyo baguhin kasi masyado niyang pinalala ang sitwasyon ng balita," anito.

"Masyado niyang ano e, sabi niya mas malakas ang puputok na susunod, nag iipon lamang. Opinyon niya 'yon...Nag-iisa siya (Solidum) sa kaniyang opinyon. Kami buong Batangas ang naapektuhan sa kaniyang sinasabi. Pag-aralan niyang mabuti," dagdag pa nito.

Sabi pa ni Natanauan, ayon umano sa kanyang ama, marami ang namatay nang pumutok ang Taal Volcano noong 1965 dahil wala pa silang motorized boats sa isla.

Dagdag pa nito, kahit na raw pumutok ang bulkan, mapipigil din daw ang pagdaloy nito kapag umagos na sa tubig.

"Pagkabagsak (ng lava) sa tubig, tumitigil siya dahil nababasa," anito.

Hindi rin kumbinsido ang Vice Mayor sa mga pahayag ni Solidum dahil hindi naman daw na-predict ng mga ito ang pagbuga ng abo ng Taal Volcano noong Enero 12.

"Wala pang nakapag predict sa buong mundo kahit scientist sa pagputok ng bulkan," anito. "Bakit naman nasabi niya, siya ba ay Diyos?"

"Ang history ng bulkang ito naglilindol muna bago siya pumutok eh ngayon naman walang lindol...Ako ordinaryong tao lamang pero 'yung mga sinasabi nilang pagsabog noong araw lang iyon," sabi pa ni Natanauan.

Nais ng bise na pabalikin na sila sa kanilang bayan upang maipagpatuloy na raw ang kanilang buhay.

Malaki na rin daw kasi ang nawawala sa kanilang bayan dahil sa pagtigil ng mga operasyon doon matapos i-lockdown ang ilang lugar na malapit sa Taal Volcano.

"Pabalikin na kami sana dahil wala naman nakaka-detect ng putok ng bulkan, di na nga nagalaw," anito.

Maging ang banta sa kalusugan ng pagkain ng mga isda na nahuhuli sa Taal Lake ay pinabulaanan din ni Natanauan.

"Hindi dapat ipagbawal, oh kami muna magtestingan ako muna kakain. Mayroon din nabili, sanay kami sa ganito," anito.

"Kung talagang nakamamatay 'yan, eh di sana lahat [ng isda] patay, eh bakit may buhay?"

Una nang naiulat ng KAMI na ayon sa PHIVOLCS, bagamat bahagyang kumalma ang bulkan sa ngayon ay patuloy naman ang pag-akyat ng lava sa crater nito.

Patunay dito ang sunod-sunod na volcanic earthquakes na naitala ng mga awtoridad at maging ang mga bitak sa iba't ibang bahagi ng Batangas.

Nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang bulkan hanggang sa ngayon at mahigpit ang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga lugar na sakop ng 14-km danger zone kabilang ang Talisay.

"Hindi natin maiaalis [ang banta sa posibleng base surge] hangga't paakyat ang magma," sabi naman ni Solidum base sa ulat ng ABS-CBN News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel