Sharon Cuneta, nilinaw na hindi niya sinisiraan ang anak na si KC Concepcion

Sharon Cuneta, nilinaw na hindi niya sinisiraan ang anak na si KC Concepcion

- Nilinaw ng Megastar na si Sharon Cuneta ang tungkol sa kanyang naging pahayag tungkol sa anak niyang si KC Concepcion

- Paliwanag niya hindi niya siniraan ang anak sa kanyang naging pahayag noong hindi nakapunta si KC sa kanyang Birthday celebration

- Dahil sa kanyang naging pahayag ay may mga nangba-bash diumano sa kanya at inaakusahang sinisiraan ang sarili niyang anak

- Matatandaang naging usap-usapan ang social media post ni Mega tungkol sa diumano'y paglayo ni KC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Sharon Cuneta ang tungkol sa kanyang social media post patungkol sa kanyang anak na si KC Concepcion.

“I didn’t get a personal message and it’s not like her. So, parang nag-aalala ako. Siyempre, nanay ako, eh," ani Mega sa isang panayam sa kay Allan Diones ng Remate.

“So, I think it’s normal lang sa mag-ina na merong mga panahon na ganyan. I’m worried lang because I don’t know what she’s going through,” dagdag pa niya.

Aniya, na-mi-miss lamang niya ang kanyang anak. May mga namba-bash diumano sa kanya na maari ay mga diehard fans ni KC.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“I just miss my daughter, it’s very normal. And I just want to know how she is,” pagbabahagi ni Mega.

Sa mahigit apat na dekada niya sa showbiz, hindi na raw siya naaapektuhan ng haters o bashers. Hindi na diumano siya nasasaktan sa mga sinasabi ng mga ito.

“In the end, ang pamilya ko lang talaga ang maiiwan sa akin. I want to be there for my children and grandchildren. I want to make sure they’re good human beings and good Christians. Kasi, kung hindi, walang kuwenta lahat ng na-achieve ko sa showbiz."

Sa naunang ulat, itinakbo si Sharon sa hospital kamakailan lang.

Si Sharon Cuneta ay isang aktres, mang-aawit, recording artist at product endorser. Tinagurian siyang Megastar dahil sa tagumpay ng kanyang showbiz career.

POPULAR: Read more about

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel