Kamag-anak ni Jiro Manio, idinetalye ang diumano'y nangyari sa dating batang aktor

Kamag-anak ni Jiro Manio, idinetalye ang diumano'y nangyari sa dating batang aktor

- Ibinahagi ng isang kamag-anak ni Jiro Manio ang diumano'y katotohanan sa likod ng nangyaring pananaksak ng dating child star

- Ayon sa isang kamag-anak ni Jiro, bumagsak daw si Jiro dahil lakas ng pagkahampas ng helmet ng lalaking nagngangalang Zeus Doctolero

- Bunsod nito, lumaban diumano si Jiro nang makatayo at naglabas ng bread knife

- Paliwanag ng kamag-anak ng aktor, kaya nagdadala ng bread knife si Jiro ay para sa kanyang proteksiyon laban sa mga may gustong mang-trip sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasalukuyang nakapiit ang dating child star na si Jiro Manio dahil sa kaso ng pananaksak sa isang lalaking kinilalang si Zeus Doctolero.

Sa isang ulat ng Abante Tonight sa panulat ni Rommel Placente, naibahagi ng isang kamag-anak ni Jiro ang diumano'y dahilan kung bakit nagawa ni Jiro iyon.

Ayon kay Jen, isang malapit na kamag-anak ni Jiro, napagtripan umano kasi si Jiro ni Zeus. Pauwi na raw ito galing sa trabaho nang makasalubong nito si Zeus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bigla na lang daw nitong hinampas ng helmet sa ulo nang dalawang beses ang dating aktor.

Sa lakas daw ng hampas ay bumagsak si Jiro. Nu’ng nakatayo na raw ito ay lumaban ito at naglabas ng bread knife at sinaksak nga raw nito si Zeus. Kahit naman daw kasi sino ang paluin ng helmet ay lalaban.

At kaya naman daw may dalang bread knife si Jiro ay para proteksiyon nito sa mga may gustong mang-trip sa kanya. May testigo na rin daw si Jiro na siyang makakapagpatunay na talagang inunahan siyang saktan ni Zeus.

Nauna na ring naiulat ang isang pahayag ng isang babae tungkol sa diumano'y tunay na nangyari na tumutugma naman sa mga sinasabi ng ilang saksi.

Sa naunang ulat, inilabas na rin ang CCTV Footage na kuha sa lugar kung saan nangyari ang pananaksak.

Si Jiro Manio ay nakilala bilang isang child star na nagpamalas ng husay sa pag-arte. Sa katunayan, umani siya ng acting awards sa kanyang pelikulang Magnifico.

POPULAR: Read more about Jiro Manio here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel