Korean actress na si Lee Sung Kyung, nagbigay ng mensahe sa mga Taal victims

Korean actress na si Lee Sung Kyung, nagbigay ng mensahe sa mga Taal victims

- Sa pamamagitan ng isang Facebook video, nagbigay ng mensahe ang Korean actress na si Lee Sung Kyung para sa mga Pinoy

- Partikular na sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Taal Volcano

- Anito, nag-alala ito dahil sa nangyaring sakuna sa Pilipinas

- Maraming fans at Pinoy netizens ang natuwa sa ginawang ito ng aktres mula sa Korea

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa pamamagitan ng isang Facebook video, nagbigay ng mensahe ang Korean actress na si Lee Sung Kyung para sa mga Pinoy.

Partikular na sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Taal Volcano sa Batangas.

Sa video na in-upload sa isang Facebook page na nakapangalan dito, sinabi ng aktres na nag-aalala ito para sa mga Pilipinong nasalanta ng sakuna.

"Fighting! I pray for you. I love you. I'm very very worried," anito.

Maraming fans at Pinoy netizens ang natuwa sa ginawang ito ng South Korean star.

"Thank you for your concern to us ms. Sung kyung. God bless us all. Fighting Filipino."
"Thank you SungKyung Unnie. We love you!"
"thankyou for your concern to filipinos LEE SUNG KYUNG."
"I love you so much our weightlifting fairy please comeback here in Philippines."
"Thank you so muchhhhhhh LOVE YOUUUUU."
"Thank you Filipinos love you."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Lee Sung-kyung ay isang South Korean model at actress.

Isa ito sa mga artista sa Korean-drama na Cheese in the Trap at The Doctors hanggang sa bumida na ito sa kanyang first lead role sa Weightlifting Fairy Kim Bok-joo.

Bago ito, naiulat na nagpaabot ng tulong ang gobyerno ng South Korea na umabot sa mahigit P10 million para sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Samantala, sa iba pang ulat ng , nananatili sa Alert Level 4 ang Taal Volcano.

At kahit pa kalmado ito sa mga nakalipas na araw, sinabi ng mga awtoridad na mayroon pa ring nakaambang panganib dahil dito.

Patuloy naman ang pagmonitor ng mga awtoridad sa mga aktibidad ng bulkan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel