Binatilyo, emosyonal nang makatanggap ng cake mula sa pulis na nanghuli sa kanya

Binatilyo, emosyonal nang makatanggap ng cake mula sa pulis na nanghuli sa kanya

- Isang binatilyo sa Thailand ang nahuli dahil sa mabilis na pagmamaneho ng motor

- Bukod sa bilis ng pagpapatakbo, wala pa itong helmet

- Nang kausapin na siya ng pulis, humagulhol na ang binatilyo ang ipinaliwanag ang nangyari

- Nalaman ng pulis na kaarawan pala ng bata at nakalimutan ito ng kanyang pamilya

- Sa awa, binilhan ng police officer ang binatilyo ng maliit na cake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaiba ang kwentong binahagi ng isang pulis sa Thailand kung saan ang hinuli niyang binatilyo ay nagawa pa niyang ibili ng birthday cake.

Ayon kay Police Officer Kanokpan Putthapong, hinuli niya ang binatilyo dahil sa bilis nitong magpatakbo ng kanyang motor.

Bukod sa bilis ng pagmamaneho, wala pa itong helmet.

Nang sitahin niya ang binatilyo, humagulhol na lamang ito at sinabing mayroon lamang siyang pinagdaraanan.

Kaarawan niya pala nang araw na iyon at hindi man lang daw ito naalala ng kahit isang miyembro ng kanilang pamilya.

Binatilyo, emosyonal nang makatanggap ng cake mula sa pulis na nanghuli sa kanya

source: P'P Jedsada Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natunaw ang puso ng pulis kaya naman pumunta siya sa pinakamalapit na 711 at ibinili niya ng maliit na cake ang kanyang nahuli.

Nang ibigay na niya ito sa binatilyo, mas lalo na itong naging emosyonal.

Ngunit maging babala pa rin ito sa mga taong nagmamaneho. Kung may matinding pinagdaraanan o karamdaman, mainam na huwag na munang magmaneho lalo ng motor.

Maswerte ang binatilyo na ito na bukod sa walang nangyari sa kanyang di maganda, mabait at may puso pa ang pulis na nanghuli sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel