Lalaking inirereklamo ng pangangaliwa, natameme at naihi sa face-off nila ni misis

Lalaking inirereklamo ng pangangaliwa, natameme at naihi sa face-off nila ni misis

- Hindi halos makapagsalita ang isang lalaking inirereklamo ng kanyang asawa dahil sa kanyang pananakit at pangangaliwa

- Nagkaroon pa ng pasa sa mata si misis nang mabuking ang pakikipag-ugnayan ng lalaki sa diumano'y kalaguyo nito

- Matapang naman na sinagot ng inaakusahang kabit ng lalaki ang kanilang relasyon na matagal na diumanong alam ni misis

- Hindi naman nagpatinag ang nagrereklamong misis na nagngangalang Venus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tahimik lang at panay ang pag-inom ng tubig ng lalaking inirereklamo ng kanyang misis dahil sa pananakit at pambabae nito.

May black eye pa ang misis na nagngangalang Venus. Hindi naman halos makapagsalita ang asawang si Romyel na sinasabing naglagay ng pasa sa kanya.

Tinawagan din ng program si Cathy, ang tinuturong kalaguyo ni Romyel. Katwiran niya, matagal na diumanong hiwalay sina Venus at Romyel at alam diumano ni Venus na matagal na silang may relasyon ni Romyel.

Hindi naman nagpatinag si Venus at sinupalpal si Cathy dahil sa pagsira diumano nito sa pamilya niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang nagkakasagutan ang dalawang babae ay hindi makaimik si Romyel at nagpaalam na pupunta muna sa cr.

Pabiro namang sinabi ni idol Raffy na dapat daw ay lagyan na lamang ng diaper si Romyel. Pinapili si Romyel kung sino ang mas mahal niya sa dalawa at pinili niya si Venus.

Narito naman ang naging reaksiyon ng mga netizens:

I dont care if matinis ang boses ni Ate Venus. I love how she fight for her rights. Sana lahat ng nasa tama ganyan ka brave para masampal sa katotohanan lahat ng mga sira ulong mga kabit yan. Once a cheater will always a cheater. Ang babaeng walang pagpapahalaga sa sarili ay mas masahol pa sa mabahong basura. mas naririndi ako dun sa Cathy kesa sa boses ni Ate Venus. Gigil ako hahaha
Wala nang masabi ung kabit kundi "matagal mo nang alam na kami" HAHAHAHA, MATAGAL NG ALAM NA MALANDI KA!
Wag nyo nmn husgahan c Venus.. Natural lng na maghisterikal sya dahil xa galit.Ngaun lng pumutok lahat ng sama ng loob nya..

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel