Fluvial parade sa Negros, nauwi sa trahedya nang bumigay ang tulay at nahulog ang ilang tao

Fluvial parade sa Negros, nauwi sa trahedya nang bumigay ang tulay at nahulog ang ilang tao

- Nakunan ng larawan ang pagkasira ng kable ng tulay sa Kabankalan City sa Negros Occidental

- Makikitang nasa hanging bridge nakaabang at nanonood ng fluvial parade ang mga tao bilang pagdiriwang ng pista ni Senyor Santo Niño sa Ilog-Hilabangan

- Walo ang naiulat na tuluyang nahulog sa ilog

- Makikita sa larawan na ang ilan ay nagawa pang humawak sa kable at di pa tuluyang bumagsak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa larawan ang aksidenteng naganap sa hanging bridge sa Kabankalan City sa Negros Occidental.

Sa mga larawan ni Erwin Badana na binahagi ng ABS-CBN, naipon daw ang mga tao sa hanging bridge upang masaksihan ang taunang fluvial parade bilang bahagi ng kapistahan ni Senyor Santo Niño sa Ilog-Hilabangan.

Walo ang naiulat na tuluyang nahulog kabilang na ang isang sanggol na kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naganap ang aksidente bandang alas- siyete ng umaga nang bumigay ang hanging bridge na may taas na 20-metro.

Ang ilan na kasama sa prusisyon sa ilog ay huminto at nanatili habang hinihintay ang rescue team.

Ayon sa alkalde ng lugar na si Mayor Pedro Zayco, makakaasa ang mga nadisgrasya na bibigyan sila ng suporta ng lokal na pamahalaan.

Ipinasara na rin ng alkalde ang 30 taong gulang nang hanging bridge na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel