Dalagita, nasawi nang ma-trap dahil sa pagputok ng bulkan sa Colombia noong 1985

Dalagita, nasawi nang ma-trap dahil sa pagputok ng bulkan sa Colombia noong 1985

- Sa kabila ng mga pagtatangkang mailigtas ang 13-anyos na dalagita na na-trap sa mga volcanic debris sa Colombia, bigo pa rin ang mga awtoridad

- Nasawi ang dalagitang si Omayra Sanchez matapos ma-trap ng tatlong gabi

- Naipit kasi ito at nadiskubreng nakakapit sa mga binti nito ang tiyahin na nauna nang nasawi

- Pero sa kabila ng paghihirap, nanatili pa ring kalmado si Omayra at inalala pa ang mga rescuers na nagliligtas sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng mga pagtatangkang mailigtas ang 13-anyos na dalagita na na-trap sa mga volcanic debris sa Armero sa Colombia, bigo pa rin ang mga awtoridad na ma-iahon ito ng buhay.

Nasawi ang dalagitang si Omayra Sanchez matapos ma-trap ng tatlong gabi sa mga volcanic debris matapos ang pagputok ng Nevado del Ruiz Volcano noong November 13, 1985 na ikinasawi ng humigi't kumulang 20,000 katao.

Na-trap si Omayra matapos ang pag-agos ng lahar mula sa bulkan sa kanilang lugar at naipit ang kalahating katawan nito mula sa baywang.

Naipit din ang mga paa hanggang binti nito sa isang pinto.

Bukod dito, nadiskubre rin na nakahawak sa mga binti nito ang kamay ng tiyahin nito na una nang nasawi.

Dahil dito, naging mas mahirap pa itong maiahon. Pero nagawa ni Omayra na palayain ang isang kamay, kaya naman sinubukan itong hilahin ng mga rescuer.

Ngunit delikado na ito para sa dalaga dahil maaaring maputol ang kanyang mga binti lalo pa at nakaluhod ang posisyon ng dalagita.

Upang hindi malunod ang dalagita ay nilagyan pa ito ng gulong sa katawan. At naghanap ng ibang alternatibo ang mga rescuer para mailigtas ang bata.

Sa kabila naman ng kanyang pinagdaraanan, nanatili raw kalmado si Omayra at kumanta pa para sa mga rescuer at nagpaunlak ng isang panayam sa isang journalist na isa sa mga volunteers.

Ngunit ang ikinadurog ng puso ng marami ay nang sinabi ng dalagita na iwan na lamang siya ng mga rescuer para makauwi na ang mga ito at makapagpahinga.

Sa ikatlong gabi nito na na-trap sa mga debris, nagkaroon na ito ng halusinasyon at sinabing mahuhuli na ito sa eskwelahan.

Wala na ring ibang paraan para maiahon si Omayra mula sa debris kung hindi ang putulin na ang mga binti nito.

Ngunit dahil sa kakulangan sa kagamitan noon ay hindi na ito posible dahil walang medical equipment ang maaaring makapigil sa labis na pagdurugo.

Dahil sa nangyari ay naging leksyon ito sa Colombia upang mas maging handa sa mga sakuna na darating.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa iba pang ulat ng KAMI, nananatili ang Alert Level 4 sa Taal Volcano hanggang sa ngayon sa kabila ng bahagyang pagkalma nito.

Nagbabala rin ang mga awtoridad sa nakaambang panganib dahil sa pagputok nito anumang oras.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel