Customer na nakabasag ng 1 jade bracelet, hinimatay sa presyo

Customer na nakabasag ng 1 jade bracelet, hinimatay sa presyo

- Hindi sinasadyang mabasag ng isang babaeng turista sa China ang isang jade bracelet na isinukat lamang nito

- Hinimatay ito nang makita ang presyo ng nabasag na bracelet na umabot sa $44,000 o mahigit P2.2 million

- Sinubukan pa raw itong pakalmahin ng pamilya ngunit bigla na lamang itong namutla at nawalan ng malay tao

- Ganunpaman, kinailangang bayaran ng mga ito ang nasabing halaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babaeng turista sa China ang hinimatay matapos nitong aksidenteng mabasag ang isang jade bracelet.

Ayon sa ulat ng Elite Readers at Daily Mail, isinukat lamang daw ang ginang ang bracelet sa isang jade market sa Ruili City sa Yunnan sa nasabing bansa nang madulas umano ito sa kanya at nabitiwan tsaka bumagsak sa sahig.

Dahil dito, nahati sa dalawa ang bracelet at nasira.

Sa gulat naman ng ginang, ang presyo nito ay 300,000 Yuan ($44,000) o mahigit P2.2 million.

Nang malaman ito ay nagkaroon ng panic attack ang ginang.

Sinubukan pa siyang pakalmahin ng ilang naroon ngunit bigla na lamang daw itong namutla at nawalan ng malay sa loob ng ilang minuto.

Ayon pa sa ilang saksi sa nangyari, sinubukan din ng pamilya ng babae na magbigay ng 70,000 Yuan ngunit tinanggihan ito ng may-ari dahil hindi ito sapat.

Wala nang nagawa pa ang mga ito kung hindi ang bayaran ang nasabing halaga ng nabasag na jade bracelet.

Samantala, may ilang netizens naman ang hindi kumbinsido at hinala ng mga ito ay naloko lang ang ginang dahil sa laki ng presyo ng jade bracelet.

Sa isang artikulo ng Leaf, sinabi rito na umaabot lang sa $8,000 ang halaga ng isang magandang klase ng jade bracelet.

Sa China, ibinibigay ang jade bracelet ng mga magulang sa kanilang mga anak bilang simbolo ng kanilang pagmamahal at proteksyon.

Sumisimbolo rin ito sa courage, compassion, modesty, wisdom at justice ayon sa paniniwala ng marami.

Noong panahon ng ancient China, naniniwala ang mga tao roon na ang jade ay pangtaboy ng masasama at kapahamakan, ayon sa isang artikulo ng Leaf.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel