OFW, mas piniling ipa-demolish ang pinaghirapang bahay dahil sa panloloko ng kapatid

OFW, mas piniling ipa-demolish ang pinaghirapang bahay dahil sa panloloko ng kapatid

- Galit na naglabas ng saloobin ang OFW na naloko ng sarili niyang kapatid

- Tatlong taon niyang inakala na mayroon siyang hinuhulugang bahay

- Inakala rin niyang sa kanya na rin ang titulo nito

- Natuklasan pa niyang tila ang kanyang kapatid ang pinagawan niya ng bahay at hindi siya

- Sa tindi ng sama ng loob, pinagiba niya ang bahay dahil sa panloloko ng kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng isang OFW na naloko ng sariling kapatid.

Sa post, makikita ang galit na si Jonalyn Obnar na pinagigiba ang bahay na pinagkatiwala niya sa kapatid at sa asawa nito.

Sa lob kasi ng 15 na taon ng paninilbihan niya abroad, nagplano na siya na magpatayo ng bahay.

Nang malaman ito ng kanyang kapatid, nagpresinta raw ito na hanapan si Jonalyn ng lupa.

Tatlong taon niya raw kasi itong ipinaubaya sa kanyang kapatid.

Buong pag-aakala niya kasing naayos na nito ang titulo sa halagang ₱40,000 at inakala rin niyang pinoproseso na ng kapatid ang pagpapalipat ng pangalan nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa tuwing kukumustahin niya kasi ang kapatid tungkol sa titulo ng bahay na inaasahan niyang maililipat sa kanya ay tila galit ito at patuloy pa rin ang pagsasabi kay Jonalyn na sila na ang bahala.

Dahil sa tiwala sa kapatid, patuloy pa rin ang pagpapadala niya ng may kalakihang halaga ng pera.

Ngunit nang makauwi siya sa Pilipinas, laking gulat niya sa mga nadatnan.

Una, nalaman niya na kailanman ay di mapapasa kanya ang titulo dahil ito ay nasa tinatawag na mother title pa at hindi bastang maibebenta pa sa kanila.

Ang masaklap, tila lumabas pa na nagpapatayo siya ng bahay para sa kanyang kapatid at hindi para sa kanyang pamilya.

Dala ng matinding sama ng loob, pinagiba niya ang bahay kahit pa malaki-laki na rin ang ipinundar niya rito.

Ginawa niya ito para di na rin ito matirhan pa lalong lalo na ng kanyang kapatid na nanloko sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel