Engineering student, isinantabi ang review ng board exams para sa pamilya sa Batangas

Engineering student, isinantabi ang review ng board exams para sa pamilya sa Batangas

- Isinantabi ng isang engineering student ang kanyang review para sana sa kanilang board exams

- Isa kasi ang kanyang pamilya sa mga labis na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal mula pa noong Enero 12

- Di nagdalawang isip ang estudyanteng ito na umuwi sa kanilang lugar sa Agoncillo, Batangas dahil kailangan siya ng kanyang pamilya roon

- Marami pa naman daw pagkakataon na makapaghahanda at makapagre-review siya para sa board exams ngunit sa ngayon ay mas kailanga siya ng kanyang mga mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang isang engineering student na isinantabi ang review para sa kanilang board exams para sa kanyang pamilya sa Batangas.

Ayon sa GMA news, bumalik si Paul John Alilio sa Brgy. Banyaga, Agoncillo Batangas upang tulungan ang pamilyang naging biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ang Agoncillo ang isa sa pinakaapektadong lugar sa Batangas. Kaya naman di nagdalawang isip si Paul na umuwi at unahin ang nangangailangan niyang pamilya.

Mula nang mag-alboroto ang Taal noong Enero 12 ay labis na pinsala ang idinudulot nito sa lugar nina Paul John.

Ayon pa sa estudyante, marami naman daw pagkakataon para siya ay makapagreview at makapaghanda para sa kanyang board exams.

"Aba'y meron ga namang ibang review ang importante narito ako para sa aking pamilya eh andito ako tuwing kelangan nila ako" pahayag ni Paul.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa kayang Facebook, mag-aaral siya ng Colegio de San Juan de Letran at umuwi siya ng Batangas para lamang sa kanyang mga mahal sa buhay na nangangailangan ng tulong.

Hinangaan naman ng maraming netizens ang desisyon na ito ni Paul. Kung tutuusin daw kasi ay maari naman niyang ipagpatuloy ang review, gayung nasa Maynila naman siya.

Ngunit dala ng pagmamahal at respeto para sa kanyang pamilya, mas pinili pa niyang umuwi at damayan ang mga ito sa pinagdaraanang pagsubok.

Kasalukuyan pa ring nasa alert level 4 ang bulkang Taal matapos ang isang linggo nitong pag-aalboroto.

Nangangahulugan lamang na anumang oras ay maari pang maganap ang malakas na pagsabog kaya naman wala pa ring kasiguraduhan kung kailan makakabalik ang mga evacuees sa kani-kanilang mga tahanan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel