Sekyu ng kukunan lang sana ng mga donasyon, nagpadala rin ng tulong para sa mga bakwit ng Taal

Sekyu ng kukunan lang sana ng mga donasyon, nagpadala rin ng tulong para sa mga bakwit ng Taal

- Proud ang isang netizen sa biglaang tulong na pinaabot ng isang security guard

- Kukuha lamang daw sila ng donasyon para sa mga biktima ng Taal sa opisinang binabantayan ng sekyu

- Laking gulat nila nang ito ay biglang magpaabot din ng donasyon

- Umani ng papuri ang sekyu dahil sa magandang ehemplong ipinakita nito sa ating mga kababayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si JeloAce Nats EY ang di niya inaasahang tulong na ipaabot ng isang security guard.

Kwento ni JeloAce, kukuha lamang daw sila ng mga donasyon mula sa opisinang binabantayan ng guwardiya.

Siya ang nakaisip na mangalap ng donasyon kasama ang New Life church sa Olongapo sa pangunguna rin ng kanilang lead pastor na si Pastor Joseph Nepomuceno.

Isa rin kasing Batangueño ang kanilang pastor kaya naman mas lalo silang nagpupursige para matulungan ang mga kababayan nito.

Nang malaman ito ng sekyu, nagpahintay daw ito ay mayroon lamang daw kukunin.

Laking gulat ni JeloAce nang makitang dalawang pares ng maayos pang mga sapatos ang dala nito.

At kahit maayos pa na pwede pa naman itong gamitin ng guwardiya, mas minabuti nitong ipadala sa mga bakwit sa Batangas.

Na-inspire daw si JeloAce dahil patunay lamang daw ito na maari talagang tumulong ang sinumang nais na magbahagi sa mga taong mas nangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maswerte raw ang mapapagbigyan ng mga sapatos na maaaring magamit kung babalik na ang mga bakwit sa kanilang mga tahanan para maglinis.

Mainam itong proteksyon sa kanilang paa sa matinding pag-aayos na kanilang gagawin.

Samantala, nilinaw din ni JeloAce na binahagi niya ang post di para ipagyabang ang pagtulong kundi upang ma-inspire ang iba na magpaabot ng anumang tulong na kanilang ibigay.

Nakataas pa rin sa alert level 4 ang bulkang Taal kaya anumang oras ay maari itong magkaroon ng mas matinding pagsabog.

Kaya naman, mainam na ipagpatuloy pa rin ang pagpapadala ng tulong sa mga kababayan nating biktima ng pagsabog ng Taal dahil wala pa ring kasiguraduhan kung kailan sila makakauwi sa kani-kanilang mga tahanan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel