Pamimigay ng relief goods, nagmistulang "graduation" dahil sa background music

Pamimigay ng relief goods, nagmistulang "graduation" dahil sa background music

- Nagmistulang eksena sa graduation ang pamamahagi ng relief goods sa isang evacuation center

- Habang nagtatawag ng pangalan ng bibigyan ng relief goods, "Aida March" ang kanilang background music

- Mapapansing natatawa na lamang din ang mga bakwit na naroon

- Tila naibsan pansumandali ang kanilang kinakaharap na pagsubok dahil sa simpleng katuwaan na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video na binahagi ng celebrity vlogger na si Dyosa Pockoh tungkol sa kakatwang eksena sa isang evacuation center sa Batangas.

Nagmistulang eksena sa graduation ang pamimigay ng relief goods sa mga bakwit doon.

Sa dinami-dami kasi ng pwedeng background music, "Aida March" pa ang kanilang napili.

Ang "Aida March" ang popular na tugtugin na ginagamit sa pagtatapos o graduation.

Kaya naman sa tuwing tatawagin ang mabibigyan ng relief goods, aakalaing ga-graduate ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mapapansing, natatawa na lamang ang mga tao roon dahil sa nakaisip na gamitin ang Aida March bilang kanilang background music.

Tila naibsan pansumandali ang kanilang suliraning kinahaharap dahil sa kakatwang eksenang ito.

Matapos ang isang linggo, patuloy na nakataas pa rin sa alert level 4 ng bulkang Taal.

Dahil dito, wala pang kasiguraduhan kung kailan makakabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga bakwit dahil anumang oras ay pwede pang sumabog ang patuloy na nangangalit na bulkang Taal.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel