Batang bakwit na Math quiz contestant sana, patuloy na nagre-review

Batang bakwit na Math quiz contestant sana, patuloy na nagre-review

- Viral ang larawan ng isang batang lalaki na nakuha pa ring mag-review sa evacuation center

- Nakita umano ng isang principal ang bata na biglang nag-alala kung paano na nga ba ang pag-aaral ng mga mag-aaral

- Mula sa Talisay ang bata na isa sa pinaka-apektadong lugar sa Batangas

- Hiling ng principal na matulungan ang masipag na bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang larawan ng bata sa evacuation center na nagawa pa ring mag-review sa kabila ng pagsubok na kinahaharap ng kanilang lugar.

Binahagi ng principal na si Arnold Catapang ang larawan ng batang si Carlo de Ocampo na kasalukuyang namamalagi sa Tanauan,Batangas.

Napag-alaman ng punongguro na evacuee si Carlo mula Talisay, Batangas.

Ang Talisay ang isa sa pinakaapektadong lugar sa pagsabog ng bulkang Taal.

Umagaw daw talaga ng atensyon ni Sir Catapang ang bata dahil sa kabila ng kawalan ng kasiguraduhan na makabalik na sya sa paaralan, nagawa pa rin daw nitong mag-aral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nitong Biyernes, Enero 16 ginanap ang MTAP competition sa iba't ibang panig ng bansa.

Isa itong Math competition na sasalihan ni Carlo.

Kaya naman nadurog ang puso ng marami dahil di na nakalaro ang pambato sana ng kanilang paaralan na kinakitaan pa naman ng kasipagan.

Ayon pa sa principal, binahagi niya ang larawan upang matulungan pa si Carlo lalo na sa kanyang pag-aaral

Sa pagputok ng bulkang Taal, libo-libong mag-aaral ang mahihinto sa pag-aaral.

Kaya naman naglabas ng pahayag ang Department of Education na bagaman halos patapos na ang pauruang taong 2019-2020, maari pa ring tumanggap ng mga transferees mula sa apektadong lugar ng pagputok ng bulkang Taal.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel