Batang may malubhang sakit sa kidney, tutulungan ni Pangulong Duterte

Batang may malubhang sakit sa kidney, tutulungan ni Pangulong Duterte

- Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang isang 2-anyos na batang babae na mayroong malubhang sakit sa kidney

- Nais ng mga magulang ng bata na sumailalim ito sa isang transplant sa India kung saan mas mura ang procedure

- Ngunit hinikayat ang mga ito ng pangulo na gawin na lamang ang operasyon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa QC

- Ayon kay Pangulong Duterte, tiwala siya sa kakayahan ng mga doktor sa bansa at hinikayat ang mga magulang ng bata na magtiwala rin sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang isang 2-anyos na batang babae na mayroong biliary atresia o malubhang sakit sa kidney, base sa ulat ng PhilStar (Author, Christina Mendez).

Nangangailang sumailalim ito sa liver transplant at nais ng mga magulang ng bata sumailalim ito sa isang transplant sa India kung saan mas mura ang procedure kunpara sa ibang bansa.

Ngunit hinikayat ang mga ito ng pangulo na gawin na lamang ang operasyon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Hinikayat ng Presidente ang mga magulang ng bata na sina Ronald Naval at Kendy Aguilo na magtiwala sa mga doktor sa NKTI dahil naniniwala ito sa kakayahan ng mga ito.

“Subukan natin dito. Ako naniniwala ako. Hindi ako nambabarat – may pera at tutulong ako," ayon sa Pangulo.

Sabi pa sa ulat, ibinahagi rin ni Pangulong Duterte ang isa pang kaso ng kaparehong sakit ang tumama sa isang sanggol sa Cagayan de Oro City kung saan ito mismo ang nangasiwa para makapunta ito sa India, kasama ng mga magulang nito.

Ngunit sa kasamaang-palad ay namatay din ang bata matapos itong sumailalim sa operasyon.

Samantala, ayon naman sa Palasyo, sinabi ni Pangulong Duterte at ni Senator Bong Go na sisiguruhin nila na sagot ng Malasakit Program ang gastos ng bata at lahat ng mga batang sasailalim sa transplant.

Ani Go, nakipagpulong siya sa mga concerned agencies upang humanap ng mga solusyon at epektibong paraan para mas mapabuti pa ang kapasidad ng NKTI.

Isa sa mga short-term solution na sinabi ng senador ay ang pagbuo ng isang asosasyon kung saan magiging bahagi ang Office of the President, Department of Health, Philippine Children’s Medical Center at The Medical City.

Ang mga pedriatric liver transplants ay gagawin sa pamamagitan ng partnership ng PCMC at TMC hanggang sa kaya na ng NKTI na gawin ang mga liver transplant procedure.

Habang ang long-term solution naman ayon kay Go ay isang team ng 12 espesyalista mula sa NKTI sa Taiwan upang mag-training at bumili ng mga medical equipments para sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel