Grade 7 na estudyante, nagbigay ng "simpleng" tulong para sa mga Taal victims

Grade 7 na estudyante, nagbigay ng "simpleng" tulong para sa mga Taal victims

-Labis na ikinatuwa ng marami ang naging aksyon ng isang grade 7 na estudyante na sa kanyang maliit na paraan ay hangad na tumulong sa mga Taal victims

-Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang netizen ang nakakatuwang ginawa ng estudyante

-Humanga ito sa ipinakitang kabutihan ng bata kaya naman ibinahagi niya ito sa social media

-Maging ang mga netizens ay natuwa rin sa matulunging paslit na ito at mayroon pang nais itong bigyan ng gantimpala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na ikinatuwa ng marami ang naging aksyon ng isang grade 7 na estudyante mula sa Quezon Province.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Arianne Etorma Cejane na isang volunteer, ang nakakatuwang ginawa ng estudyante sa kanyang muting paraan.

Ang estudyante na kinilalang si James Paul P. Garcia ay nagbigay ng noodles, sabong pangligo at panglaba para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Taal Volcano.

"Flex ko lang this little kiddo Grade 7 student, lumapit sya sa table kung san nagcocollect ako ng mga items for donation sa evacuees affected by Taal Volcano Eruption then akala ko kung ano kinukuha sa bag yun pala may dala syang supot na nakalagay yung donations as you can see po sa picture.

"Tinanong ko sya kung sa kanya lang galing yun, oo daw. Nakakataba lang ng puso na madami tlaga gustong makatulong kahit papaano at kahit sa anong paraan. Walang mayaman o mahirap / matanda o bata / maliit o malaki basta gustong magbahagi."

Maging ang mga netizens ay natuwa rin sa matulunging paslit na ito at mayroon pang nais itong bigyan ng gantimpala ayon kay Cejane.

Nakakatuwa pa ring isipin na sa kabila ng sakuna na dinaranas ng ating mga kababayang apektado nito, lumilitaw naman ang mga taong handang dumamay sa malaki man o maliit na paraan katulad ni James Paul.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang simpleng lalaki ang nag-alok ng libreng kape sa mga evacuees sa Batangas na pinuri rin ng maraming netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel