Ai-ai Delas Alas, pinuri si Luis Manzano sa kanyang pagtulong sa mga Taal victims

Ai-ai Delas Alas, pinuri si Luis Manzano sa kanyang pagtulong sa mga Taal victims

- Puring-puri ni Ai-ai Delas Alas si Luis Manzano sa pagiging matulungin nito

- Ito ay sa kabila ng ilang negatibong reaksiyon ng netizens matapos ang napabalitang pagbebenta niya ng mamahaling mask

- Inudyukan siya ng ilang netizens na ipamigay na lamang ang kanyang binibentang mask para naman makatulong

- Paliwanag ni Luis, hindi porke hindi nagpost sa social media ay wala nang naitulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos pangaralan ni Luis ang ilang netizens na bumatikos sa kanya, isang pagpuri naman ang kanyang natanggap mula sa COmedy Queen na si Ai-ai Delas Alas.

Bilib na bilib si Ai-ai sa pagiging matulungin ni Luis at sa mahusay na pagpapalaki sa kanya ng kanyang inang si Vilma Santos.

Ani, Ai-ai," Bravo luis .... isa sa pina ka generous at nakaktawa at mabait na tao sa industriya .. pinalaking tama ng idol kong si ate vi ... minsan d kailngan ilagay sa social media ang mga itinutulong .. kung gusto pwedeng ilagay para mainspire ang mga ibang tao gayahin ang mga artista na tumutulong ----yung iba its bet GOD and sa sarili nya.. ( pero kung hind man mag post wag isipin na hindi agad tumutulong mga nagiisip ng ganun mag reality check sa srili ...tanungin bago mag click AKO BA MAY NAITULONG ?? )salamat luis and sa lahat ng artista at mga KABABAYAN naten na tumulong sa mga naapektuhan ng bulkan taal .. ako ba tumulong??? Secret"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang umani ng ilang pambabatikos ang TV host dahil sa kanyang ibinibentang mask na mamahalin. Ilang netizens ang nag-udyok sa kanyang ipamigay na lamang niya ito para makatulong naman siya.

Sagot ni Luis, hindi porke't hindi siya nakapag post ay hindi na siya tumulong.

Naging mainit na debate ito sa ilang netizens kung dapat bang ipost ang pagbibigay ng tulong. Gayunpaman, mag-post o hindi, ang mahalaga ay nakatulong ayon sa TV host na si Vice Ganda.

Si Luis Manzano ay kilalang TV host, actor at product endorser. Siya ay anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa dati nitong karelasyong si Edu Manzano.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel