Vice Ganda, may mensahe para sa mga taong nega sa oras na dapat ay nagtutulungan

Vice Ganda, may mensahe para sa mga taong nega sa oras na dapat ay nagtutulungan

- Pinuna ni Vice Ganda ang ilang netizens na maraming kuda sa panahong dapat ay nagtutulungan ang lahat

- Ayon kay Vice, magpost man o hindi ang sinumang tumulong, hindi dapat bigyan ng kahulugan iyon

- Aniya, tulong pa rin iyon at makikinabang ang mga nasalanta ng kalamidad

- Dagdag pa niya, walang maitutulong ang pagiging nega sa mga taong apektado ng pagputok ng Bulkang Taal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binigyang paalala ni Vice Ganda ang mga netizens na nega sa mga taong nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

Hinimok ni Vice na sana ay tigilan na muna ang pagiging negatibo lalo na sa mga panahong kagaya ngayon na marami ang nangangailangan ng tulong.

Ani Vice, i-post man o hindi, ang tulong ay tulong at napakinabangan iyon ng mga mamayang nangailangan.

Vice Ganda, may mensahe para sa mga taong nega sa oras na dapat ay nagtutulungan

Vice Ganda, may mensahe para sa mga taong nega sa oras na dapat ay nagtutulungan
Source: Twitter

Hindi umano kailangan ang mga negatibong opinyon lalo at wala naman itong naitutulong sa sitwasyon ng mga nasalanta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May ilang mga artistang nagbahagi ng kanilang litrato kung saan nagpaabot sila ng tulong sa mga nasalanta. May mga netizens pa ring nagsabing hindi na daw dapat ito pinopost. Gayunpaman, ayun naman sa ibang netizens, bukod sa makakapagbigay ito ng inspirasyon sa iba upang tumulong din, nakakpagpalakas din ito ng loob ng mga mamayang apektado lalo at nararamdaman nilang marami ang nais tumulong at makiramay sa hirap na pinagdadaanan nila.

Si Vice Ganda ay isang komedyante, TV host, product endorser at entrepreneur. Nakilala siya sa mundo ng pagpapatawa at nakagawa ng ilang mga pelikulang maituturing na box-office hit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel