Bianca Gonzales, binanatan ang mga netizens na walang ginawa kundi magkomento

Bianca Gonzales, binanatan ang mga netizens na walang ginawa kundi magkomento

- Hindi napigilang umalma ni Bianca Gonzalez sa mga netizens na maraming komento hinggil sa pagtulong ng mga artista sa biktima ng kalamidad

- May mga bumabatikos kasi sa ilang mga artistang tumutulong sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal

- Ito ay dahil sa kanilang pag post diumano sa social media ng kanilang ginawang pagtulong

- Gayundin sa mga artistang walang naipost, may nasasabi pa rin ang ilang netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang umalma ni Bianca Gonzalez sa mga netizens na maraming komento hinggil sa usaping pagtulong ng mga artista sa mga mamamayan ng Batangas at karatig lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Bianca, magpost man o hindi ang mga tumulong, sila ay nakatulong pa rin. Ang walang naitulong ay ang mga komento ng netizens na walang pakundangan lalo na sa mga artista.

May ilang mga artistang nagbahagi ng kanilang litrato kung saan nagpaabot sila ng tulong sa mga nasalanta. May mga netizens pa ring nagsabing hindi na daw dapat ito pinopost. Gayunpaman, ayun naman sa ibang netizens, bukod sa makakapagbigay ito ng inspirasyon sa iba upang tumulong din, nakakpagpalakas din ito ng loob ng mga mamayang apektado lalo at nararamdaman nilang marami ang nais tumulong at makiramay sa hirap na pinagdadaanan nila.

Bianca Gonzales, binanatan ang mga netizens na walang ginawa kundi magkomento

Bianca Gonzales, binanatan ang mga netizens na walang ginawa kundi magkomento
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

may point si Bianca! pinoy mentality talaga
Point is ang tulong ay tulong.Kung gusto mo o hindi ang pagkakaiba lang sa celebrities,mas malawak ang impluwensiya nila kaya ineencourage na mag post
Maganda din kasi makita na magpost ang mga celebrities because they are influencers.Mas maraming fans mahihikayat pag makita sila.
Ako kpag tumulong ayaw q na pinopost or kahit magpost ng pasasalamat yung natulungan q sa social media...gusto q kami lang nakakaalam..kahit nmn mgpost o hindi may mga tao pa din magsasabi ng d maganda...basta alam q sa sarili q nakatulong aq ok na yun..

Si Bianca Gonzalez ay isang TV host at product endorser. Ikinasal siya sa basketbolistang si JC Intal at nagkaroon ng dalawang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel