Pamilya ng namatay na bakwit, namroblema sa laki ng babayaran sa funeral parlor
- Labis ang paghihinagpis na pamilya Baleros sa pagpanaw ng kanilang ama
- Namatay ito ilang oras mula nang makarating sa Bauan Technical High School noong Enero 13
- Di raw agad nakalikas ang pamilya sa tindi ng ash fall sa pag-alboroto ng Taal noong Enero 12
- Ngayon, isa pang pinoproblema ng kanilang pamilya ang pambayad sa pagpapalibing ng ama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Patong-patong na suliranin na ang kinahaharap ng pamilya Baleros na namatayan ng padre de pamilya sa kasagsagan ng pag-aalboroto ng Taal.
Ayon sa Rappler, Enero 13 nang pumanaw si Antonio Baleros, 51 ilang oras mula nang makarating sila sa Bauan Technical High School na isa sa mga evacuation site.
Kwento ng anak nitong si Jocelyn, di sila agad nakalikas noong nagsimulang mag-alboroto ang Taal noong Enero 12 dahil sa kapal ng ash fall.
Pitong anak ang naulila ni Antonio na isang tindero ng panutsa, isang uri ng minatamis sa Tagaytay noong nabubuhay pa.
Binahagi ng asawa niyang si Elvira ang laki ng babayaran nila sa funeral parlor na nag-ayos sa bangkay ni Antonio.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Umabot kasi sa halagang ₱70,000 ang total bill nila roon at mayroon na raw itong diskwento.
Kaya naman, sobrang paghihinagpis ang nadarama ng kanilang pamilya dahil bukod sa sakunang kinahaharap, nawalan pa sila ng padre de pamilya at ngayon naman ay ang pambayad sa punerarya.
Hiling ng karamihang netizens na matulungan ang pamilya Baleros upang maibsan ang labis na pagpapakasakit nila sa panahong ito.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts.
Source: KAMI.com.gh