Mayor Isko Moreno, nanawagan na wag gawing pulitika ang tulong sa Taal victims

Mayor Isko Moreno, nanawagan na wag gawing pulitika ang tulong sa Taal victims

- Nanawagan si Mayor Isko Moreno sa mga netizens na huwag haluan ng pulitika ang mga tulong para sa mga Taal victims

- Kasunod ito ng mga reaksyon at opinyon ng ilang mga netizens sa mga tulong ng ilang politiko sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Taal Volcano

- Ani Yorme, iisa lamang ang kulay ng Pilipino kaya naman nakiusap ito na huwag nang lagyan ng kulay politiko ang mga kawanggawa ng mga tao

-Bukod dito, sinabi na rin ni Yorme na wala siyang balak na tumakbo sa pagka-presidente sa susunod na halalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Binigyang-diin ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na itigil na ang pagbibigay ng kulay sa mga tulong na nagmumula sa ilang politiko para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Taal Volcano.

Sa lingguhang "The Capital Report" nito sa Facebook Live, nanawagan ang alkalde kasama si Vice Mayor Honey Lacuna, na huwag haluan ng anumang kulay ng pulitika ang pagdagsa ng mga tulong.

Bago ito, ipinagmalaki ni Mayor Isko ang mga tulong na natanggap niya mula sa mga OFW, ilang opisyal, mga Divisoria vendor at maging ng ilang kabataan para sa mga Taal victims.

Sabi pa nito, ang pagtulong ng gobyerno ng Maynila ay nagsimula rin sa mga simpleng mamamayan.

Paglilinaw pa ni Mayor Domagoso, hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

"Huwag masyadong magmamadali. 2022 pa ang halalan. Ang layo nun. Huwag, wag. Kawawa, kawawa tayo. Honestly ha. Honestly, I'm calling everybody's attention.

"O ngayon, kung kayo naman ay kinakabahan, hindi po ako tatakbong presidente. Para mapanatag kayo, hindi po. Huwag ako,” sabi pa ni Yorme.

Matapos nito, muling nagpasalamat ang alkalde sa mga tulong na natatanggap nila na ipararating naman nila sa mga nasalanta ng sakuna.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng , ikinagulat ni Mayor Isko ang halagang ibinahagi ng mga vendor para sa mga Taal victims.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel