Makati City, nagpadala ng mga kakaibang tulong para sa mga bakwit sa Batangas

Makati City, nagpadala ng mga kakaibang tulong para sa mga bakwit sa Batangas

- Bukod sa pagkain at tubig, nagpadala rin ng iba pang tulong ang lungsod ng Makati para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal

- Upang makaligo ng maayos ang mga bakwit, isang mobile shower at portalet ang dinala sa evacuation center Bauan, Batangas

- Mayroon ding mobile kitchen, super tanker at vacuum tanker, gensets at jerry cans ang nagmula rin sa nasabing lungsod

- Nagbahagi rin sila ng 1,000 mats upang maayos na makatulog ang mga evacuees

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing kakaiba ang tulong na binigay ng lungsod na Makati dahil natugunan nito ang iba pang pangangailangan ng mga apektado ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sa pangunguna ng alkalde ng lungsod na si Mayor Abby Binay, nakapagpadala sila ng mobile shower, portalet at super tanker upang maayos na makaligo ang mga bakwit sa Bauan Batangas.

Ang super tanker ay naglalaman daw ng tubig na katumbas ng nasa walong firetrucks.

Nalaman ng KAMI na bukod sa mga pagkain at tubig na karaniwang donasyon, nagtalaga rin ang nasabing lungsod ng mobile kitchen na may kapasidad na makapagluto ng nasa 800 meals sa isang araw.

Mayroon din silang ipinamahaging 1,000 mats upang mayroong maayos na matulugan ang mga bakwit sa kanilang pansamantalang tirahan.

Nakataas pa rin sa alert level 4 ang bulkang Taal kaya naman malaking bagay na mayroong ganitong klaseng tulong na natatanggap ang mga biktima ng apektadong lugar.

Sa mga tulong na ipinarating na ito ng lungsod, tiyak na naibsan ang patong-patong na suliraning kinahaharap ngayon ng mga evacuees sa Batangas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel