Babae, nasawi habang nasa isang evacuation center sa Batangas

Babae, nasawi habang nasa isang evacuation center sa Batangas

- Nasawi ang isang 57-anyos na evacuee sa loob ng isang evacuation center sa Batangas

- Ayon sa ulat na lumabas, naglalaba umano ito nang bigla na lamang mahirapang huminga

- Batay sa naging pagsusuri rito ng doktor, ang ikinamatay nito ay "sudden cardiac arrest"

- Naisugod pa ito sa ospital pero idineklara nang patay ilang sandali matapos itong makarating doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang isang 57-anyos na evacuee habang nasa loob ng isang evacuation center sa Batangas.

Sa isang ulat ng GMA News, kinilala itong si Felina de Roxas, residente ng San Nicolas, Batangas.

Batay sa ulat, naglalaba umano si de Roxas sa loob ng San Antonio Elementary School evacuation center nang bigla na lamang itong mahirapang huminga.

"Isang bakwit, nasawi habang nasa evacuation center sa San Pascual, Batangas. dahil sa sudden cardiac arrest," ayon sa isang tweet ng DZBB Super Radyo.

Batay sa naging pagsusuri rito ng doktor, ang ikinamatay nito ay "sudden cardiac arrest".

Naisugod pa ito sa ospital pero idineklara nang patay ilang sandali matapos itong makarating doon.

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isa pang bakwit ang binawian din ng buhay sa loob ng evacuation center sa Bauan.

Natagpuan umano ang katawan ng biktima, isang araw matapos itong dumating sa evacuation center.

Atake naman sa puso ang sinabing naging dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa misis nito, bahing nang bahing at panay ang ubo ng asawa bago nito nakita ang mister na nakabulagta na.

Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring mamamayan ang nananatili sa mga evacuation area matapos ang pag-aalboroto ng Taal Volcano.

Sapilitan na rin ang pagpapalikas sa mga residenteng malapit sa Taal sa Batangas dahil sa banta ng peligro sa pagsabog ng bulkan anumang oras ayon sa PHIVOLCS.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, ilang bakwit naman ang rumesbak kay Erwin Tulfo dahil sa naging pahayag nito kaugnay sa mga naiwang kabayo sa Taal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel