Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, naghatid ng tulong sa San Luis, Batangas City

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, naghatid ng tulong sa San Luis, Batangas City

- Magkasamang tumungo sa San Luis, Batangas City ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

- Ito ay para iabot ang kanilang tulong sa mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Taal

- Nagbahagi ng litrato mula sa relief operations ang ina ni Daniel na si Karla Estrada sa Instagram

- Ibinahagi din ng ilang netizens ang litrato ng dalawa habang namamahagi ng tulong sa ilang evacuees

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatunayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang pagmamalasakit para sa mga kababayang apektado ng kalamidad. Ito ay matapos nilang magtungo kasama ang kanilang team sa sa evacuation center sa Bonliw, San Luis, Batangas upang personal na mag-abot ng kanilang tulong.

Bukod sa tulong sa pangangailangan ng mga evacuees, marami ang natuwa na masilayan ang dalawa sa maituturing na pinakasikat at hinahangaang artista ng kanilang henerasyon.

Ibinahagi ni Karla Estrada ang ilang litratong kuha sa relief operations ng grupo nina Kathryn at Daniel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hawak kamay tayo kasama ang kathniel at buong Team na kasama sa pag-Kawang gawa," ani Karla sa caption ng kanyang Instagram post.

Ilang netizens ang nagbahagi ng mga litrato nina Kathryn at Daniel habang namamahagi ng tulong sa evacuees.

Maroon ding mga nagpa-picture kasama ang dalawang prime artists ng ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel