Yorme Isko, gulat na gulat sa ₱500,000 na donasyon ng isang Divisoria street vendor

Yorme Isko, gulat na gulat sa ₱500,000 na donasyon ng isang Divisoria street vendor

- Gulat na gulat si Mayor Isko Moreno sa laki ng halaga ng donasyon ng nagpakilalang mga street vendor sa Divisoria

- Ito raw ay para sa vertical housing project ng lungsod para sa mga illegal settlers ng lungsod ng Maynila

- Kasado na ang pagpapatayo nito na tatawagin nilang mga "Tondominium"

- May mga OFW din na nagpadala ng kanilang donasyon upang maisakatuparan na ang proyektong pabahay na ito sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanlaki ang mga mata ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno sa nakakalulang halaga na binahagi ng isa raw street vendor ng Divisoria.

Sa The Capital Report ni Mayor Isko kasama ang kanyang bise alkalde si Honey Lacuna, pinasalamatan nila ang mga nagparating ng donasyon para sa vertical housing project ng lungsod.

Nakakadaan daw kasi ng maayos ang mga tao kaya naman mas madaling mapuntahan ang mga pwesto ng mga nagtitindang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa mga street vendors, isa rin sa pinasalamatan ng alkalde at bise alkalde ay ang mga OFW na kahit wala sa bansa ay nagawa pa ring magpadala ng donasyon.

Patuloy pa rin daw ang pagdagsa ng mga tulong para sa mga proyekto na mas lalong ikauunlad ng lungsod ng Maynila.

Ang vertical housing project na ito ay tatawaging "Tondominium". Ito ang lilipatan ng mga informal settlers ng lungsod na inaprubahan na rin ng National Housing Authority.

Mga informal settlers kasi ang isa sa mga nakikitang malaking suliranin ng Maynila kaya naman prayoridad talaga ito ng kanilang alkalde.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel