Erwin Tulfo, binuweltahan ng mga bakwit dahil sa pahayag nito ukol sa mga kabayo

Erwin Tulfo, binuweltahan ng mga bakwit dahil sa pahayag nito ukol sa mga kabayo

- Bumuwelta ang ilang bakwit sa mga naging pahayag ni Erwin Tulfo tungkol sa mga kabayong naiwan nila sa Taal

- Sa ilang viral video, naglabas ng sama ng loob ang isang residente roon at sinupalpal ang naging opinyon ni Tulfo sa umano'y pang-iiwan nila sa mga kabayo

- Kasunod ito ng mga sinabi ni Tulfo sa kanyang radio station noong Martes

- Ngunit agad namang humingi ng paumanhin si Tulfo matapos makarating sa kanya ang reaksyon ng mga bakwit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuwelta ang ilang bakwit sa mga naging pahayag ni Erwin Tulfo sa kanyang radio station kaugnay sa mga kabayong naiwan sa Taal matapos sapilitang pinalikas ang mga residente.

Sa kanyang programang "Tutok Tulfo" noong Martes, sinabi ng mamamahayag na napanood niya ang isang video kung saan makikita ang naging kalagayan ng mga kabayo.

Anito, matapos daw pagkakitaan ay basta na lamang itong iniwan ng mga nangangalaga.

"Mga kabayo d'yan sa Taal Island... na ito o, iyan... Diyos ko po, maaawa ka! Iniwan ng mga kumag na may-ari. Pinagkakitaan nila noong 'di pa sumabog 'yang Taal," ayon kay Tulfo.

"Iniwan ng mga putragis na may-ari, kung sino man nagpapatakbo ng turismo d'yan hindi man lang naisip na isama 'yung kabayo," dagdag pa nito.

Ngunit matapos nito, ilang video ang agad na kumalat kung saan ipinakita ng ilang residente roon na binalikan nila ang kabayo.

Masama ang loob ng mga ito sa mga naging pahayag ng mamamahayag at agad na idinepensa ang kanilang ginawa.

"Tulfo, ito na ang sinasabi mong pinabayaan namin!" sabi ng lalaki sa video kung saan ipinakita pa nito na pinaliguan nito ang isang kabayo.

"Sinasabi mo na pinabayaan namin ang aming mga kabayo... Ako po ang tunay na Filipino hindi si Tulfo. Mumurahin niya ang tao, bakit anong akala niya sa kabayo, bata na basta papasanin? Hindi naman ah, kabayo 'yan! Hindi 'yan dadalawang kilo," sabi pa ng lalaki.

Narito ang video mula sa Facebook page na Yumar TV:

Samantala, matapos daw na makarating kay Tulfo ang naging reaksyon ng mga bakwit tungkol sa kanyang naging pahayag ay humingi rin ito ng paumanhin sa mga ito.

Sabi pa ng broadcaster, mayroon daw siyang nakausap na isang nangangalaga ng kabayo at sinabi umano nito na hindi dapat sila ang sisihin kung naiwan ang mga kabyo.

Ayon umano rito, agad silang pinalikas ng mga awtoridad nang magsimula nang maging aktibo ang Taal Volcano. Mayroon daw ibang residente na dala-dala ang kanilang mga kabayo upang isama ring lumikas.

Ngunit ayon sa mga opisyal ay babalikan na lamang ang mga ito dahil kinakailangang unahin ang mga mamamayan.

Narito ang naging pahayag ni Tulfo mula sa YouTube channel na Mhike Tv:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel