Batang may kakaibang kondisyon, nagpumilit pa ring mag-abot ng tulong sa mga bakwit ng Taal

Batang may kakaibang kondisyon, nagpumilit pa ring mag-abot ng tulong sa mga bakwit ng Taal

- Proud na binahagi ng isang ama ang kabutihang loob ng kanyang anak sa pagtulong sa mga biktima ng pag-aalboroto ng bulkang Taal

- Sa kabila raw kasi ng kondisyon nito sa balat ay nagpumilit pa rin itong sumama sa Batangas upang personal na magpaabot ng tulong sa mga evacuees doon

- Ayaw sanang pumayag ng kanyang mga magulang ngunit iyak na ng iyak ang bata at nais talagang sumama at personal na magbigay ng tulong

- Bagaman at inabot ng pagod at gutom, tuwang-tuwa raw ang bata sa kanyang pinaramdam na pagmamalasakit sa mga kapwang higit na nangangailangan ng tulong sa panahon ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng ama ng batang si Prince Ram Cababao ang kabutihang ginawa nito sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon sa netizen na si Mhar Tintoy Cababao, may kondisyon ang apat na taong gulang na anak na tinatawag na Vitiligo.

Isa itong kakaibang sakit sa balat kung saan naiiba ang kulay nito kumpara sa normal na kulay ng kanyang katawan.

Sa kabila raw kasi ng konsidyon na ito ni Prince, nagpumilit pa rin itong sumama sa Batangas upang personal na mamahagi ng tulong.

Batang may kakaibang kondisyon, nagpumilit pa ring mag-abot ng tulong sa mga bakwit ng Taal

source: Mhar Tintoy Cababao
Source: Facebook

Ayaw na sana itong isama ng ama ngunit iyak ng iyak daw ito kaya naman isinama na rin nila.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang bata habang namimigay ng mga mask sa evacuees.

Di alintana sa kanya ang gutom at pagod at sa mura niyang edad ay kinakitaan na siya ng pagmamalasakit sa kapwa niyang dumaraan sa matinding pagsubok.

Nawa ay pamarisan siya ng marami lalong-lalo na ng mga kabataang tulad niya.

Batang may kakaibang kondisyon, nagpumilit pa ring magpaabot ng tulong sa mga bakwit ng Taal

source: Mhar Tintoy Cababao
Source: Facebook

Narito ang kabuuan ng mensahe ng ama ni Prince na binahagi niya sa KAMI:

"Siya po ay si prince ram cababao gusto po nya sumama samin sa batamgas para po magbigay ng mga mask sa mga tao ayaw po namin payagan kase nga po bata pa pero iyak po ng iyak ganga sa naawa ako at isinama ko na po. Masaya sya namigay ng libre mask sa mga nasalanta ng bulkan taal at masaya sya d naramdaman ang pagod kase masaya sya sa ginagawa nya

Gang inabot po kme ng oag uwe namin ng 10 pm at nramdaman nya matinde gutom pag uwe kase wala natira pagkain para samin lagat binigay namin sa lahat ng evacuees. Sya po ay apat na taong gulang na batang may vitiligo. anak ko po sya ay may sakit na vitiligo long term skin. rare- long term skin condition

Ako po ay napapasalamat na po agaf senyo isang karamgalan ng magulang ang maging gayahin ng mga kabataan ang aking anak kahit sa ganung bagay."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel