Sa kabila ng katuwaan: Netizen, may panawagan tungkol sa mga donasyong damit sa mga bakwit

Sa kabila ng katuwaan: Netizen, may panawagan tungkol sa mga donasyong damit sa mga bakwit

- Isang netizen ang nagpadala ng panawagan sa KAMI patungkol sa mga damit na donasyon sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal

- Maaring naging katuwaan daw ng mga bakwit ang mga padalang damit ngunit di naman daw talaga nila ito masuot

- Ang ilan ay natatambak na lang din daw sa kanilang tanggapan at di na rin nila ibinibigay kung alam nilang di naman na talaga maaring gamitin

- Masaya naman daw silang nakakapagbahagi ng mga padalang tulong ngunit sana raw ay iyong siguradong magagamit pa ng mga bakwit na kinukulang na rin ng mga damit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lakas loob na nagpadala ng mensahe ang netizen na si Sechelle Smith sa KAMI patungkol sa mga natatanggap na donasyong damit para sa mga biktima ng bulkang Taal.

Kabilang siya sa mga mamamayang tumatanggap ng tulong na maaring ipadala sa evacuees sa Batangas.

Kamakailan ay nag-viral ang mga larawan ng mga bakwit na tila nagkaroon ng costume party dahil sa mga kakaibang damit na pinadala sa kanila. Una na itong naiulat ng KAMI.

Makikitang tila nagkakatuwaan pa ang mga evacuees sa mga natanggap na damit ngunit di naman daw ito nagagamit ng maayos.

Mayroon kasing nagbigay ng mga uniporme, gowns, at ang iba ay costumes talaga.

Kaya naman nanawagan ang netizen na ito na kung maaari ay iyong mga komportable at maayos na damit na tiyak na magagamit pa ng mga bakwit ang ipadala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng katuwaan: Netizen, may panawagan tungkol sa mga pinadadalang damit

source: Sechelle Smith
Source: Facebook

Narito ang kabuuan ng mensaheng ipinadala ni Sechelle:

"Good morning Kami. Just wanna share about sa mga nareceived namin na clothes donation.

I know people makes fun of wearing those outfit "pormahan sa evacuation"

Napakadaming damit na di nmn tlg na nagagamit ng evacuuee mga butas.. wlaang garter.. kumbaga eh basahan na tlg!

Masaya kami na tumutulong out of the goodness of their heart at nakikiusap na Sana po eh "usefully clothes" Naman Ang idonate natin Kasi matatambak Lang din PO SA ating mga tangapan Ang mga damit na Hindi nmn tlg kapakipakinabang.

Panawagan Lang po pag Alam natin na Hindi Naman na talaga masusuot basahanin nyu nalang po sa bahay nyu Hindi po Ito sa pagmamalaki or what sa katotohanan Lang po.

Salamat at pagpapalain PO tayo lahat"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel