Pamilya ng mga OFW sa Quezon, nakalikom ng maraming tulong para sa Taal evacuees

Pamilya ng mga OFW sa Quezon, nakalikom ng maraming tulong para sa Taal evacuees

- Kahit nasa malayo, nakaisip pa rin ng paraan ang mga OFW na ang mga pamilya ay nakatira sa Sitio, Fabre sa Sariaya, Quezon upang makapagbigay ng tulong sa Taal evacuees

- Nagsimula lamang daw ito sa isang group chat na nakalikom ng higit sa inaasahang halagang maipapadala sa Pilipinas upang makapamili ng relief goods para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal

- Tulong-tulong ang mga pamilya ng OFW sa pamimili at pag-eempake ng mga ipadadalang tulong sa mga bakwit sa Batangas

- Maging ang Sangguniang Kabataan ng kanilang lugar ay nakiisa rin sa pangongolekta ng tulong sa pamamagitan ng pagkatok sa bawat bahay sa sitio upang madagdagan pa ang mga maipadadala sa Batangas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang naisipang gawin ng mga Overseas Filipino Workers na ang mga pamilya ay nakatira sa Sitio, Fabre sa Sariaya, Quezon.

Kahit nasa malayo at iba't ibang panig ng daigdaig, nakaisip pa rin sila ng paraan kung paano makapagpaparating ng tulong sa mga kababayang biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon sa post ng OFW na si Ernie Erisghel Tanafranca Trespalacioreal, nagsimula raw ang lahat sa group chat na kanyang binuo para sa kanilang mga OFW ng Sitio Fabre.

Nakatanggap kasi umano siya ng isang mensahe mula sa kaibigang naaawa sa kalagayan ng mga kapwa niya Batangueño na apektado ng pagsabog ng Taal.

Dito nabuo ang ideya ni Ernie na humingi ng saklolo mula sa iba pang OFW.

Inaasahang nasa ₱20,000 lang ang kanilang malilikom na halaga. Kaya naman laking gulat nila na umabot ito sa nasa ₱100,000 kaya naman marami talaga ang kanilang naipamili at naibahaging tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakiisa rin ang Sangguniang Kabataan ng kanilang lugar sa pangunguna nila Charrize at Alvin Silang na nakaisip mangatok sa bawat bahay ng kanilang sitio.

Malaking bagay ang nagawa ng mga SK dahil lalo pang nadagdagan ang mga damit at food bags para sa mga bakwit.

Laking pasalamat din ng Sitio Fabre dahil maging ang mga taga-Pinagbakuran na kalapit lugar lamang nila ay nagpaabot din ng kanilang tulong.

Nadala at naipamahagi na ang mga nakolekta nilang donasyon ngunit dahil sa umaapaw pa rin ang dumarating na tulong, babalik muli ang mga taga-Sitio Fabre sa Batangas upang dalhin ang mga ito.

Sa panayam ng KAMI kay Ernie, nabanggit nitong may mga Taal evacuees na naroon na sa Sariaya, Quezon at kanila na rin itong nabigyan ng tulong.

Tunay nga ang kasabihang "kung gusto, may paraan, kung ayaw, may dahilan." Tulad na lamang ng mga OFW na ito na kahit wala sa Pilipinas, nakagawa pa rin ng paraan upang makapagparating ng tulong sa mga kababayan nating dumadaan sa matinding pagsubok dahil sa pagputok ng bulkang Taal.

Narito ang kabuuan ng post ni Ernie:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel