Pastor Apollo Quiboloy, pinanalangin ang paghinto ng pagputok ng Bulkang Taal

Pastor Apollo Quiboloy, pinanalangin ang paghinto ng pagputok ng Bulkang Taal

- Ibinahagi n Pastor Apollo Quiboloy ang kanyang panalangin kaugnay sa kasalukuyang pangyayari sa Bulkang Taal

- Ayon kay Quiboloy, hinihiling niya sa Panginoon na sana ay huminto na ang pag-alburoto ng Bulkang Taal

- Nawa daw ay maging aral ang nangyari upang itigl na ang pang-aalipusta, [pagkutya at pagmumura sa hinirang na anak ng Ama

- Ang kanyang tinutukoy ang ang kanyang sarili na kanyang sinasabing "The Appointed son of God"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang maikiling panalangin ang ibinahagi ng pinuno ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc.. Ito ay hinggil sa kasalukuyang pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Sa isang maikling video clip, na ibinahagi noong January 13, 2020 sa programang may pamagat na Ito ang Buhay, ipinagdasal niya ang pagtigil ng Bulkang Taal.

Aniya, nawa ay magsilbing aral sa bawat isa ang nangyari upang huwag nang alipustahin, murahin at alipustahin ang hinirang na anak ng Diyos.

Ang kanyang tinutukoy ay ang pinagdaanan niyang bashing mula sa mga netizens matapos ang kanyang mga pahayag hinggil sa pagpapatigil diumano niya ng lindol na yumanig sa ilang lugar sa Mindanao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa reaksiyon ng netizens hinggil sa videong ito.

Para sa akin nagpapasalamat nalang ako na may taong nagdarasal para sa kaligtasan.. Sana magdasal nalang tayo keysa nmn mangungutya pa... Alam nmn nating lahat na ang tanging dios lang ang may kapangyarihan o kakayahan na magpa stop ano mang uri ng kalamidad... Yun lang po salamat.. At godbless po sa lahat
Ok nmn ang ginawa nya ipinalangin nya ang pag hinto ng patuloy na pag putok ng bulkan .. lahat nmn tau yan ang dasal natin.. hindi kagaya ng una nyang post na xa ang nagpahinto sa lindol
Natural disaster to. Wala kang kilalaman sa pagpapahinto nito. Ni pagpapasimula nito

Isa si Pastor Apollo Quiboloy sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng isang religious sect dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Kamakailan lang ay nakasuhan siya ng kasong human trafficking na isinampa ng isa niyang dating miyembro.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel