Dating seaman na pinaslang, hinoldap muna at inagawan ng motor sa mismong kaarawan niya

Dating seaman na pinaslang, hinoldap muna at inagawan ng motor sa mismong kaarawan niya

- Walang awang pinaslang ang seaman na si John Paul Sarmiento sa mismong araw pa ng kanyang kaarawan

- Nasundan daw di umano ito mula sa pinanggalingang restaurant ng dalawa hanggang tatlong lalaki

- Bago barilin, hinoldap ito at inagawan pa ang biktima ng motor

- Ayon sa ilang saksi, humihingi pa raw ito ng saklolo ngunit mabilis na nakatakas ang mga suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng 25-anyos na seaman na si John Paul Sarmiento na pinaslang sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Ayon sa ulat ni Dolan Castro ng ABS-CBN, galing umano sa isang restaurant si John Paul nang masundan ito ng nasa dalawa hanggang tatlong lalaki.

Nakarating umano ang mga ito sa kahabaan ng Quirino highway sa Caloocan kung saan na-corner na umano siya ng mga suspek.

Nagawa pa umanong humingi ng saklolo ni John Paul ayon sa mga security guards na nakarinig ngunit mabilis na nakatakas ang mga suspek na tinangay din ang motor ng biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Lt. Col. Ferdinand Del Rosario, Deputy Chief of Police ng Caloocan PNP, maigting nilang tutukan ang kaso kung saan susuriin din nila ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga salarin.

Masakit para sa pamilya ng biktima ang nangyari ngunit umaasa sila na makakamit nila ang hustisya para sa walang awang pamamaslang kay John Paul.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel