Mister, ibinahagi kung bakit kailangan niya ipasyal si misis at ang mga anak niya

Mister, ibinahagi kung bakit kailangan niya ipasyal si misis at ang mga anak niya

- Ibinida ng isang mister ang kanyang pagmamahal sa asawa niya at kahalagahan nito bilang isang ina

- Ayon kay mister, hangga’t maaari ay pinapasyal niya ang kanyang pamilya lalo na ang asawa niya

- Nagbigay din siya ng tips kung paano niya napapanatiling masaya ang asawa niya kahit na ito ay nahihirapan bilang isang ina

- Maging ang mga netizens ay natuwa sa labis na pagmamahal ni mister sa kanyang misis at mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang mister ang nagbahagi ng kanyang kwento kung bakit hangga’t maaari ay pinapasyal niya ang kanyang misis at mga anak nila.

Nalaman ng KAMI na nais ni mister makatulong sa kanyang asawa at mabawasan ang kalungkutang nararamdaman nito.

Sa isang Facebook post, kinuwento ng netizen na si Bugoy Froyalde ang kanyang mga ginagawa upang mapasaya ang misis niya.

“Bilang isang Daddy kailangan ko din ipasyal ang asawa ko,” sabi ni Bugoy.

“Para mabilis sya maka recover sa inip at lungkot sa bahay. hayaan natin sila maglakad lakad at tumingin tingin sa gusto nilang bilhin at pakainin sa labas kung may konting sobra sa bulsa natin,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Bugoy, gusto niya iparamdam sa asawa niya ang halaga nito bilang isang ina.

“At kung nakakaluwag luwag naman kahit simpleng regalo o gusto nya ibigay natin para maramdaman nila yung halaga nila bilang isang ina,” aniya.

“Wag na wag mo sila ikukulong sa bahay at ibuburyo dahil lalo lang sila maiistress.

“Mahirap maging isang ina, pero mas nahihirapan sila kung hindi mo marerealize yung hirap na pinagdadaanan nila,” dagdag pa ni Bugoy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa labis na pagmamahal ni mister sa misis niya. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Very well said”
“Sana all”
“Family is love”
“Sana mkatagpo rin kami ng katulad mo..”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel