Costume party ang peg! Mga donasyong damit, inirampa ng mga bakwit sa Batangas

Costume party ang peg! Mga donasyong damit, inirampa ng mga bakwit sa Batangas

- Nagmistulang costume party sa mga evacuation centers dahil sa mga damit na donasyon sa mga biktima ng pagsabog ng Taal

- May ilan na nakasuot pa ng school uniform, girl scout uniform, pati na rin umiporme ng sekyu

- Natuwa ang mga netizens sa mga larawang binahagi ng mga bakwit dahil sa patunay lamang na nagagawa pa rin nilang maging masaya sa kabila ng mga dinaranas na pagsubok ngayon

- Patuloy pa rin ang pagdagsa ng tulong sa mga evacuees na nangangailangan pa rin talaga ng mga pagkain, tubig at damit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang mga larawan ng biktima ng pagsabog ng Taal na nakasuot ng mga donasyong damit sa kanila.

Binahagi ng netizen na si Malick James Hilado ang ilan sa mga larawan ng bakwit na tila may costume party sa evacuation centers.

Mayroong lola na naka-girl scout uniform, lalaking naka-school uniform at pati uniporme ng mga sekyu ay may nagsuot din.

Maging ang celebrity vlogger na si Dyosah Pockoh ay nagbahagi ng kanilang kasuotan sa kinaroroonang evacutation center at tila nagpapabonggahan na raw sila doon ng damit.

Humanga naman ang mga netizens sa katuwaan na ito ng mga bakwit. Nagpapakita daw kasi ito ng katatagan ng mga Pinoy sa kabila ng pagharap sa matinding pagsubok sa buhay.

Di alintana sa kanila na maaring wala na silang balikan pang bahay ang mahalaga, sila'y ligtas at tuloy pa rin ang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Salamat po , ay may na wear parin sila masaya nga tingnan hehehe"
"Ok Lang Yan Ang importante ligtas sila"
"Hahaha.. Laban lang mga kapatid... Ok lang po yan ang maganda dyan ay yung nag tutulungan ang mga pinoy..."
"Gusto kong umiyak sa tuwa, makita silang masaya sa kabila ng trahedya! Laban pa rin, salute sa inyo. Nakakaproud kayo..."
"Happy happy ang family kahit anung mangyari sama-sama together"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga larawan:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel