Mga bakwit ng Balayan, nagkatuwaan na magkaroon ng "Miss Gay Evacuee"

Mga bakwit ng Balayan, nagkatuwaan na magkaroon ng "Miss Gay Evacuee"

- Viral ang mga nakatutuwang larawan ng ilang kalahok sa "Miss Gay Evacuee" sa Balayan

- Nagkatuwaan ang mga bakwit sa kanilang evacuation center upang pansumandaling tumawa at kalimutan ang hinaharap na pagsubok

- Isang galong tubig at isang supot ng pagkain ang premyo ng mga mananalo

- Humanga naman ang mga netizens sa ginawa na ito ng mga evacuees dahil sa halip na magmukmok, naghanap pa rin daw umano ang mga ito ng paraan upang maibsan ang hirap na kanilang dinaranas sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing likas na masiyahin ang mga Pilipino. Kahit pa inuulan na ng mga pagsubok sa buhay, nakakahanap pa rin ang mga ito ng paraan upang sila ay sumaya at tumawa.

Tulad na lamang ng mga binahaging larawan ng netizen na si Joshua Capul mula kay Renz Magno kung saan makikita ang ilang mga beking bakwit na todo postura para sa kanilang "Miss Gay Evacuee."

Ayon kay Josh, naganap ito sa evacuation center sa Balayan, Batangas kung saan nagkatuwaan ang mga naroon na magkaroon ng pageant para na rin maibsan ang problemang kanilang kinakaharap.

Todo make-up at nag-suot ng mga improvised dress ang mga kalahok.

Mapapansin din ang mga manonood na tuwang-tuwa sa kanilang pinapanood na tila ba ay pansamantala silang napasaya ng mga ito kahit pa wala silang kasiguraduhan kung may mauuwian pang bahay matapos ang pangangalit ng bulkang Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Syempre, kapaki-pakinabang din para sa mga kandidata ang kanilang mapapanalunan.

Isang galong tubig at isang supot ng pagkain ng mga mananalo.

Samantala, humanga naman ang mga netizens sa naisipang gawin na ito ng mga bakwit.

Imbis na magmukmok at labis na problemahin pa ang matinding pagsubok na kanilang dinaranas, nakuha pa rin nilang maghanap ng dahilan upang maging masaya.

Kasalukuyan pa rin kasing nasa alert level 4 ang bulkang Taal. Nangangahulugan lamang na hindi pa maaring makabalik ang mga residente sa kani-kanilang lugar dahil anumang oras ay maari pang sumabog ang bulkang Taal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel