Lolo na nagtitinda pa rin ng balut kahit may ashfall, inulan ng tulong

Lolo na nagtitinda pa rin ng balut kahit may ashfall, inulan ng tulong

- Binahagi ng isang netizen mula Biñan, Laguna ang larawan ng matandang balut vendor na nagtitinda pa rin kahit mayroon nang ashfall na nagaganap

- Makikita sa damit nito na puro abo na ito mula sa pag-aalboroto ng Taal

- Inabot na rin ito ng gabi sa daan at di pa rin daw kasi ubos ang paninda nito

- Dala ng awa na mapahamak ang matanda, nagpadala ng tulong ang mga netizens upang pansamantalang huminto ito sa paglalako na lubhang mapanganib pa para sa kanya

- Mayroon na rin kasing dinaramdam na sakit ang matanda kaya naman masama para rito ang makalanghap ng abo na patuloy paring bumabagsak sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng balut vendor na binahagi ng netizen na si Marjhun De Quiros.

Kwento ni Marjhun, kahit pa raw lumindol at umulan ng abo sa kanilang lugar sa Biñan, Laguna at patuloy pa rin ang pagtitinda ng lolo na kilala bilang si Tatay Poncing.

Mapapansin kasing puro abo na mula sa Taal ang damit ng matanda ngunit patuloy pa rin daw itong nagtitinda.

Pasado alas-nuebe na raw ng gabi nakauwi si Tatay Poncing ngunit di pa rin naubos ang paninda nito.

Kinakailangan niya kasing kumayod dahil matagal na rin siyang natengga. Mayroon kasi siyang iniindang karamdaman kaya naman pansamantala siyang di nakapagtinda.

Nang malaman ito ng mga netizens, di nagdalawang isip ang mga ito na padalhan din ng tulong ang lolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katunayan, sa dami nga raw ng tumulong kay tatay Poncing, tumigil na muna siya sa paglalako ng balut lalo pa at nakasasama ang abo mula sa Taal na patuloya pa rin kumakalat maging sa kanilang lugar.

Halos araw-araw ay sako-sakong mga buhangin ang nawawalis doon na ginagawa naman ng kanilang lokal na pamahalaan na mga bricks o hollow blocks. Una na itong naiulat ng KAMI.

Laking pasalamat ng lolo sa mga tumulong at nais pa ring magpaabot ng tulong sa kanya.

Tanging ang paglalako lamang kasi ang kanilang pinagkakakitaan kaya naman pag huminto siya, malaking kawalan sa kanila.

Ngunit dahil sa mga taong may mabubuting kalooban, nakakapagpahinga ang lolo at nakakakain pa rin sa araw-araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel