Base surge, isa sa kinatatakutang epekto ng Taal eruption; mga residente, pinag-iingat

Base surge, isa sa kinatatakutang epekto ng Taal eruption; mga residente, pinag-iingat

- Nagbabala ang mga eksperto sa posibleng pagtama ng base surge mula sa bunganga ng Taal Volcano

- Maaari daw itong mangyari kung sakaling maitaas sa Alert Level 5 ang status ng bulkan

- Ang base surge ay makapal na kombinasyon ng abo, mainit na gas, at nagbabagang bato

- Posible daw na may masawi o masugatan sa oras na bagtasin nito ang paanan ng Taal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinag-iingat ngayon ng mga volcanologists ang mga residente na malapit sa Taal dahil sa posibleng pagtama ng base surge sa oras na pumutok ang bulkan.

Napag-alaman ng KAMI na hindi lang ang lava ang dapat paghandaan ng mga tao kung hindi pati ang kombinasyon ng abo, hot gases, at nagbabagang bato na tinatawag na base surge.

Ayon sa mga eksperto, napakainit at mala-ulap ang nasabing base surge at mabilis itong bababa mula sa bunganga ng bulkan sa oras na sumabog ito.

Maaari din daw na may masawi at maapektuhan ang kalusugan kung sakaling maabutan ng pagragasa nito sa iba’t-ibang bayan na malapit sa paanan ng Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa bilis at kapal ng base surge, posibleng tawirin daw nito ang malawak na lawa sa paligid ng bulkan at magdulot ng hindi maganda sa mga karatig na lugar.

Sa statement ni Paolo Reniva, isang volcanologist, posibleng mangyari ang base surge kapag itinaas sa Alert Level 5 ang bulkan.

"Ito ay posibleng mangyari kapag itinaas na natin sa Alert Level 5 ang status ng Taal. Ang base surge po 'yung pyroclastic flow na tatawid ng Taal Lake," saad ni Reniva sa interview sa Unang Balita.

Dahil dito, pinag-iingat ng husto ang mga residente at mino-monitor ng maiigi ang mga posibleng mangyari ngayong nag-aalboroto ang Taal.

Nananawagan naman ang maraming evacuees ng tulong sa paraan ng tubig, pagkain, damit, at face masks na sold out na sa mga tindahan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagsagawa ng relief operations si 2nd Lt. Matteo Guidicelli kasama ang ilang miyembro ng armed forces.

Ang Taal ay isa sa mga tanyag na bulkan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa probinsya ng Batangas. Ito ang pangalawa sa mga pinaka-aktibong bulkan sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel