75 anyos na lola, mas piniling mag-donate kaysa magkaroon ng bonggang birthday celebration

75 anyos na lola, mas piniling mag-donate kaysa magkaroon ng bonggang birthday celebration

- Hinangaan ang lola na magdiriwang ng kanyang ika-75 na kaarawan ngunit mas pinili na ipamili ng donasyon ang gagastusin niya sana para sa kanyang selebrasyon

- Bongga sana ang birthday party ni nanay Belen Mulingtapang ngunit kinansela muna niya ito para magparating ng tulong sa mga biktima ng bulkang Taal

- Agad na rin nilang nadala ang mga food bags sa mga evacuees na nananatili sa San Luis, batangas

- Nananatili pa rin sa alert level 4 ang bulkan kaya naman pinapayuhan pa rin ang mga evacuees na manatili pa rin mga evacuation center at huwag na munang bumalik sa kanilang mga pinaglikasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magdiriwang sana ng 75th birthday ang lola na si Belen Mulingtapang ngunit mas pinili niyang tumulong kaysa i-celebrate ito.

Ayon sa GMA News, magkakaroon sana ng bonggang celebration si Inay Belen ngunit isinantabi na muna niya ito at ipinambili na lang niya ng mga relief goods ang perang gagastusin sana sa kanyang selebrasyon.

Nalaman ng KAMI na mayroon sanang catering services, mobile bar, live band, photo coverage at umarkila pa sila ng lugar para ipagdiwang sana ang kaarawan ng kanilang Inay Belen sa Enero 24.

Makikita sa mga larawan na binahagi ni Sherwin Mulingtapang ang mga bigas, de lata, noodles at biskwit na pangunahing kailangan ng mga evacuees.

Agad na ring nadala ang mga food bags sa mga bakwit na namamalagi sa San Luis, Batangas.

Humanga ang mga netizens sa naisipang gawin na ito ni Inay Belen dahil mas inuna pa niya ang pangangailangan ng ating kababayan kaysa sa bonggang selebrasyon sana ng kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Happy birthday po....napaka meaningful ng birthday celebration nyo maraming salamat sa pagkakaroon nyo ng ginintuang puso sana tularan kyo ng iba God bless po"
"So proud of you nanay Belen, hindi man natuloy ang inyong sariling party im sure mas maligaya po ang puso nyo ngayon dhil alam nyong mas marami kyong matutulungan."
"Happy birthday! naway mas ibless pa po kayo ni God dahil s kabutihang loob niyo po.salamat po sa pag donate ng relief good s mga kababayan natin na nasalanta ng ng taal volcano.sana po madami pa mga katulad niyo pagpalain po kayo ng may kapal"
"Lola hindi nyo po ako kilala pero God bless you po! Ang wish ko sana humaba pa po ang buhay nyo at maging malakas pa kayo.. maraming maraming salamat po sa taos puso ninyong pagtulong sa ating mga kababayang nasalanta ng Taal."
"Yehey! napakabuti po ng loob nio lola ....happy happy lalo sa kalooban nyo tumulong ....si lord na po nakakaalam ng mga kabutihang nagagawa sa kapwa ....mabuhay po ang mga sinasakrispisyong pansariling kaligayahan .....God bless you po!"

Samantala, nananatili pa rin sa alert level 4 ang Bulkang Taal na maaring maglikha pa ng pagsabog. Kaya naman mahigpit na pinagbabawalan na ang mga residente ng nasa 14 kilometer danger zone na bumalik sa kanilang tirahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel