2 anyos na bata, pinamudmuran ng cream ang mamahalin nilang TV

2 anyos na bata, pinamudmuran ng cream ang mamahalin nilang TV

- Isang nanay ang nagulat sa ginawa ng 2 taong gulang na anak niya nang iwanan niya ito saglit

- Kinutuban ang nanay na may kakaibang ginagawa ito dahil bigla na lang daw nanahimik ang mga bata

- Pumunta lang siya saglit sa kusina upang maghain ng hapunan at wala pang limang minuto ay nagkalat na ang mga anak niya

- Pagbalik sa sala ng nanay ay sumalubong sa kanya ang nagkalat na nappy cream sa mamahaling TV nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagulat ang isang nanay nang makita niya ang kinahinatnatan ng kanyang mga anak niya nang siya ay umalis saglit.

Nalaman ng KAMI na ang nanay na si Sarah Wruck na taga-Australia ay pumunta lang saglit sa kanilang kusina para gumawa ng hapunan.

Ayon sa ulat ng LADbible, kinutuban si Sarah na may kakaibang ginagawa ang mga anak niya na si Eli, 2 anyos, at si Ben na 1 taong gulang pa lang dahil biglang natahimik ang mga ito.

“They were both happily together in the living room watching a movie when I got up to start making dinner,” sabi ni Sarah.

“I could hear that they were really quiet, and I know that when they're quiet something is going on. I asked them what they were doing, and I heard 'I'm painting!' and I just thought, 'oh no’,” dagdag niya pa.

Nang puntahan ni Sarah ang mga bata ay laking gulat niya dahil nagkalat na ang nappy cream sa kanilang mamahaling TV. Tinatayang nasa AU $3,000 ang presyo nito o mahigit P105,000.

2 anyos na bata, pinamudmuran ng cream ang mamahalin nilang TV

Photo from LADbible
Source: Facebook

"Their dad had left the nappy cream on the change table nearby, and Eli had gotten into it and smothered himself and the television with it,” kwento ni Sarah.

“I was experiencing a combination of laughing and crying. I couldn't believe how much damage he'd done in such a little amount of time. I'd been gone less than five minutes,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos isang oras daw bago natanggal ni Sarah ang nappy cream sa TV nila. Mabuti na lang ay matapos ang insidente, gumagana pa rin ang TV nila.

“My partner took Eli and started wiping him off with tissues and then gave him a bath. I cleaned the TV, it wiped off with some dry cloth and then some dishwashing detergent followed by glass cleaner. It was over an hour of cleaning and I had no idea if it would work or not,” sabi ni Sarah.

“Luckily, it turned on and everything was fine. But we'll put the cream up a bit higher from now on. You just never know with kids, and from what I've learned silence is the most dangerous thing,” aniya.

Ngayon ay natuto na ang mga magulang ni Eli na huwag na mag-iwan ng nappy cream basta-basta at kung saan-saan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Mailfire view pixel