Netizens, bumilib sa mga Taal victims noong 1965 Taal Volcano eruption

Netizens, bumilib sa mga Taal victims noong 1965 Taal Volcano eruption

- Muling kumalat sa social media ang video ng mga kuha noong 1965 Taal Volcano eruption

- At dahil din dito, napahanga ang mga netizens sa ilang nating kababayan na biktima ng sakuna

- Bukod kasi sa kanilang lakas ng loob ay kapansin-pansin din ang kanilang husay sa pagsasalita ng lenggwaheng Ingles

- Maging ang kanilang galing at bilis sa pagsagot sa dayuhang reporter ay viral din sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumalat ngayon sa social media ang mga panahong sumabog ang Taal Volcano noong taong 1965 kung saan daan-daan ang nasawi.

Sa isang video na in-upload ng netizen na si Luigi Fernandez sa Facebook, muling nagbalik ang marami sa nakaraan.

Ngunit ang mas nakaagaw sa pansin ng maraming Pinoy netizens ay ang mga biktimang nakapanayam ng isang dayuhang reporter.

Bukod kasi sa kanilang lakas ng loob ay kapansin-pansin din ang kanilang husay sa pagsasalita ng lenggwaheng Ingles.

Maging ang kanilang galing at bilis sa pagsagot sa dayuhang reporter ay viral din sa social media.

Mula sa isang middle-aged na lalaki at babae hanggang sa isang dalagita ay mahusay at mabilis na nakasagot sa mga tanong ng reporter.

"Ang gagaling nla mag english."
"wow galing! Kaya pala english spokening yung lola ko nun."
"mas napansin ko how they speak well in english..impressive."
"Wow! See how they answers on the spot question very precise ang gagaling!"
"Mas magaling pa mag english ang mga pilipino noon kesa ngaun..nakaka amazed sila."
"You see!! people that time answered in english precisely in the eyes without moving their hands.. Galing nila."
"yan lamang natin sa ibang bansa mahuhusay mga pilipino sa english. nakakaproud."
"Na kakabilib talaga ..pinoy lalo na pala noon ang husay mag English eh."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, batay sa mga ulat, nananatiling alerto ang mga awtoridad sa banta ng mga panganib sa kabila ng bahagyang pagkalma ng Taal Volcano.

Patuloy pa ring pinalilikas ang mga residenteng nasa danger zone at patuloy ang pagsuyod ng mga pulis sa mga lugar na ito upang tiyaking wala nang matitirang mamamayan.

Dagsa pa rin ang mga tulong na dumarating para sa mga Taal victims. Tulad ng isang lalaki na nagviral sa social media na mayroong dala-dalang mga termos at nagbigay ng libreng kape, na una nang naiulat ng KAMI.

Isang netizen naman ang nagbahagi ng larawan ng aktres na si Angel Locsin matapos ang mahabang oras na paghahanda ng mga relief goods para sa mga biktima, na naibalita na rin ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel