Simpleng lalaki na nagbigay ng libreng kape para sa mga Taal victims, hinangaan

Simpleng lalaki na nagbigay ng libreng kape para sa mga Taal victims, hinangaan

- Umani ng papuri ang isang simpleng lalaki na nag-alok ng libreng kape para sa mga evacuees sa Batangas

- Dala ang kanyang mga termos, sa kanyang maliit na paraan ay nagpaabot ng tulong sa mga biktima ang lalaki

- Mabilis na kumalat ang larawan ng lalaking ito sa social media

- Tunay ngang ang pagtulong hindi nasusukat sa laki basta ito ay bukal sa iyong kalooban

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Simula nang sumambulat ang balita ng pag-aalboroto ng Taal Volcano, marami na sa ating mga kababayan ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Dumagsa naman ang tulong para sa kanila mula sa gobyerno at pribadong sektor.

Isa sa mga nagnais na tumulong sa kanyang simpleng paraan ang lalaking nag-alok ng libreng kape para sa mga evacuees sa Batangas.

Sa isang larawan na ibinahagi ng netizen na si Alvin Perez Lavisores, isang simpleng lalaki na dala ang kanyang mga termos ang pinahanga ang marami sa social media.

Mabilis na nagviral ang larawan ng lalaki at umani ng mga papuri.

"A simple act of kindness that can make a big impact on a person's life."
"God bless you more and your family,malaking tulong iyan sa lahat."
"Pampakalma at mampainit ng sikmura laking tulong sa mga tao God bless u all."
"godbless po..kailangan din sadya ng mga matatanda at lalo tau batangenio sa hihilig sa kape."
"Maliit man sa tingin ng nakararami pero sa mata ng DIOS yan ay napakalaki....GOD BLESS YOU MORE!"
"Sinabi din ng panginoon painumin ang nauuhaw! God Bless You Kabayan!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tunay ngang ang pagtulong, hindi masusukat sa laki o liit. Ang mahalaga ay bukal ito sa iyong puso at walang hinahangad na kapalit.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isang netizen naman na nakasalamuha ni Angel Locsin ang may napansin sa aktres habang naghahanda ng mga relief goods para sa mga Taal victims.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel