Netizen na nakasalamuha ni Angel Locsin, may napansin sa aktres

Netizen na nakasalamuha ni Angel Locsin, may napansin sa aktres

- Lubos na humanga ang isang netizen sa ipinakitang kabutihan ng aktres na si Angel Locsin para sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano

- Ngunit hindi rin nakalagpas sa paningin nito ang kababaang-loob ni Angel sa mga taong tumulong dito para maghatid ng tulong

- Ayon pa nga sa netizen na nakasalamuha ni Angel, maging ito raw ay bumubuhat ng mga relief goods at hindi inaasa sa iba

- Kaya naman muling bumuhos ang paghanga sa aktres na binansagang "real-life Darna"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lubos na humanga ang isang netizen sa ipinakitang kabutihan ng aktres na si Angel Locsin para sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano.

Sa viral post ng netizen na si Angelo Csin Barrios, ibinahagi nito ang larawan ni Angel na nakikipag-usap sa ilang tao sa lugar kung saan ito personal na sumasali sa paghahanda ng mga relief goods na ipamamahagi nito sa mga nasalanta.

Ayon kay Barrios, kuha ang mga larawan habang nagpapasalamat ang Kapamilya actress sa mga taong tumulong para magbuhat ng mga relief goods.

"I captured this kung paano pasalamatan ni Ate Angel Locsin yung mga kargador ng mga relief goods na ni repack namin! Almost 12 hours kami nag pack at di pa na tapos lahat," anito sa post.

Kwento pa nito, hindi umalis si Angel at kasama nilang tumulong mula simula hanggang sa matapos at nagawa pa nga raw na magbuhat ng mga relief goods at hindi inasa sa iba.

"Minsan nag aalala pa kami kasi nagiging kargador kadin! Hahahaha! Naloloka ako sayo ate. Thankful talaga ako na nakilala kita Ate Gel."

Kaya naman muling bumuhos ang paghanga sa aktres na binansagang "real-life Darna".

"Nakaka proud mgng isang Fan ni Angel! Tunay na hero ng mga pilipino!"
"She's really an Angel!"
"Ang nag iisa at TUNAY na DARNA."
"Very humble and generous woman!! We salute you!"
"Salamat po sa inyo...lalo na kay miss angel locsin na napakabuti ng puso..napakalaking tulong po para sa aming mga kababayan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naiulat ng KAMI, nang muli na namang mag-viral si Angel dahil sa pagtulong nito sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Maliban sa pagiging aktres, kilala rin si Angel sa pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan lalo na sa panahon ng sakuna.

Tinagurian itong "real-life Darna" ng mga netizens dahil dito na ginampanan naman nito noong 2005 sa GMA Network.

Happily engaged naman ito ngayon sa kanyang boyfriend na si Neil Arce.

Samantala, nananatiling alerto ang mga awtoridad sa sitwasyon sa Taal dahil sa patuloy na aktibidad ng Taal Volcano.

Sapilitan na rin ang pagpapalikas sa mga residenteng nasa loob ng danger zone.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel