Nobyang buong tapang na nag-propose sa BF, naging usap-usapan online

Nobyang buong tapang na nag-propose sa BF, naging usap-usapan online

- Naging usap-usapan ang kakaibang marriage proposal kung saan ang babae ang nag-propose sa kanyang nobyo

- Inimbita ng nobya ang buong pamilya ng lalaki na kumain sa labas iyon pala ay siya ang magpo-propose ng kasal sa kasintahan

- Naging emosyonal ang pamilya ng lalaki sa ginawa na ito ng nobya

- Hinangaan ng marami ang katapangan ng babae na dahil sa matinding pagmamahal niya sa kasintahan, di alintana sa kanya na mahusgahan dahil siya ang nag-propose na kadalasan ay lalaki ang gumagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang marriage proposal ng nobyang si Cheska Galvez sa kanyang nobyo.

Binahagi ng Diary ng lalaki ang video ni Stephen Berdecen na kapatid ng nobyo ni Cheska.

Kwento ni Stephen, inimbita sila ni Cheska na kumain sa labas. Wala sila noong ideya sa binabalak ng nobya ng kapatid.

Nang sila ay kumakain, bigla raw tumugtog ng malakas ang kantang "Ikaw at Ako" ni Moira dela Torre.

Maya-maya pa'y lumapit ang mga crew at binigyan ng rose ang nobyo ni Cheska.

At ang huling mga bulaklak ay dala ni Cheska at binigay sa nobyong gulat na gulat sa mga pangyayari.

Nilabas na rin ng babae ang singsing at nilabas na rin ng mga kakutsaba niya ang tarpaulin na may nakasulat na "Will you marry me?"

Labis na naging emosyonal ng magkasintahan maging ng pamilya ng lalaki.

Ayon pa kay Stephen, labis nilang hinangaan si Cheska dahil sa nagawa niya ito sa harap pa ng maraming tao.

Nangangahulugan daw lamang na mahal talaga nito ang nobyo at di alintana ang sasabihin ng iba sa kanyang ginawa.

Maging ang mga netizens ay nagulat, ngunit hinangaan din si Cheska sa ginawa niya sa taong kanyang pinakamamahal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Para sa akin ay isang karangalan yung magproposed ang babae sa isang lalaki at sobrang nakakataba yun ng puso kasi handa silang mag mukhang tanga sa maraming tao maipakita lang nila ang pagmamahal nila. I salute you ate girl! Congratsss kuya!"
"Saludo ako sa paraan nila ng gender equality... wala ng hiya hiya pag mahal mo mahal mo"
"Sana all congrats! isa kang alamat"
"Kudos ate girl for having the courage to express how you feel. Thank you For giving us (FEMALE) the gender equality to show the world that we are also capable to love our man And we shouldn’t be bashed for that because it is not easy thing to do. Congratulations"
"Kaya big palakpak kay ate for the courage. be happy sa inyong dalawa at best wishes."
"Big respect kay ate. You made the meaning of love more meaningful and beautiful. Salute po maam!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel